- PETER PAN - "Hi, Peter." Napatingala ako para alamin kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Tatlong babae ang nakatayo sa gilid ng upuan ko. Saka ko lang namalayan na unti-unti ng naglalabasan ang mga kaklase namin sa classroom. Agad hinanap ng mata ko si Princess. At sumakit ang mata at puso ko nang makita kong magkausap sila ng Chikito na iyon. "Hello, Peter!" Sinulyapan ko ang tatlong babae na nasa gilid ko pa rin. Napilitan akong ngumiti sa kanila kahit nagngingitngit ang kalooban ko sa nakitang pag-uusap ng dalawa. Kinuha ko ang aking bag at pinasok na sa loob ang mga libro na nasa ibabaw ng desk ko. "Sabay-sabay na tayo umuwi!" Yaya ng isang babae na mahaba ang buhok. Hindi ko sila kilala sa pangalan pero alam kong kaklase ko sila. "No. May sasakyan ako," pagtanggi ko. "Sig

