- PETER PAN - "Neng!" "Oh, Tok!" I turned my back to take a glimpse of her bestfriend and I felt relieved when it's a she. "Sorry kung natagalan ako. Kanina niyo pa ba ako hinihintay?" Agad kong napansin ang suot niyang gray hood jacket. Kamukha kasi ng suot ni Jameson. At si Jameson... tulalang nakatingin sa bagong paparating na babae. "Hindi naman. Tara, uwi na tayo." Tumingin sa akin ang tinawag ni Princess na Tok. Toktok kaya ang real name niya? "Hi, Peter." Hindi ko napigilan ang kilay ko sa pagtaas. "Sorry but...have we met before?" "Um, hindi pa pero binanggit na kasi kita sa kaniya," Princess explained. "You mentioned me to her? When?" "Hay naku, cous, masyado ka namang interesado. Importante pa ba iyon?" Laiza smirked. "Ang importante ngayon ay kung ano ang masasabi mo

