-PRINCESS WENDYRELLA- Tama nga ang hinala ko. Hindi talaga ako tinantanan nitong best friend ko. Talagang hinintay niya ako makalabas ng bahay para sabay na raw kaming bumiyahe sa pagpasok sa eskwelahan. Ang dami niyang tanong tungkol sa lalaking nakasama ko kagabi. Naglalakad na kami papuntang terminal ng tricyle. "Sure ka na walang something sa inyo ng Peter na iyon kagabi?" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa tanong niya. "Tok, maruming babae na ba ako sa paningin mo? Mababang klase ng babae na ba ako sa'yo?" "Neng, wala akong iniisip na ganoon." Tumigil na rin siya sa paglalakad at seryosong tumingin sa akin. "Eh kung makatanong ka kasi sa akin, wagas!" "Oh, huwag ka ng magalit, Neng. Curious lang talaga ako sa inyong dalawa. Syempre nakulong kayo roon ng five hours. Wala man la

