-PRINCESS WENDYRELLA - "Please, maligno, ibalik mo na ako sa amin. Huwag niyo po ako papatayin." Mabilis akong napalingon sa gitna ng dance floor nang marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon. Sobrang pamilyar dahil ako ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Napanganga ako nang mabungaran ko ang close-up na tigyawatin kong mukha sa malaking screen. Malaking screen na parang ginamitan ng projector at tinapat ito sa malaki at mahabang puting tela. Biglang bumalik sa aking alaala ang mga pangyayari makalipas ang limang buwan. Kung tutuusin, nakalimutan ko na nga ito eh. Hindi na ako umasa na mahuhuli ko ang maligno. Pagkatapos kasi ng insidenteng iyon, hindi na siya nanggulo. Tahimik naman sana ako namumuhay kung hindi lang nagtagpo ang landas namin ni Peter. "Huwag niyo po kagatin ang leeg

