- PETER PAN - Nasa malawak kaming basketball court ng Wow. Good thing may nakaimbak na makapal na blanket sa locker area. Iyon ang nilatag ko para naman may komportable kaming tutulugan ni Pimps. Isang oras na kaming walang imikan. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin ulit. Alam ko naman na na-offend ko siya sa sinabi ko kanina kaya naman natural lang ang naging reaksyon niya sa sinabi ko. Kaya ngayon, sobrang sakit pa rin ng kaliwang pisngi ko. Ang lakas kaya ng impact ng pagkakasampal niya sa akin. Feeling ko nga nauga ang buong pagkatao ko sa lakas niyang iyon. Buti na lang at hindi naman naapektuhan ang ngipin ko sa ginawa niya. Nagdesisyon kami na sa court na lang tumambay kaysa sa loob ng locker area. Masyadong masikip ang lugar na iyon para sa aming dalawa. And it’s her cho

