- PRINCESS WENDYRELLA - "Ano?!" Para akong tumalsik sa lakas ng pagkakasigaw ng best friend ko na si Suegar. Binisita ko siya sa kanilang bahay pagkatapos ng klase. Hindi ko na kasi mahihintay pa ang mag Sabado na hindi ko nailalabas ang nararamdaman ko. "Huwag kang sumigaw," mahinahong turan ko. "Anong kalokohan 'yang pinaggagagawa mo, Neneng? Nasa katinuan ka pa ba? Hindi talaga kayo titigil hangga't 'di kayo nahuhuli ng mga magulang niyo 'no?" Nasa loob kami ng kuwarto niya habang nasa sala naman at nakikinig ng radyo ang kaniyang tatay. Wala si Kuya Silver, kapatid ni Suegar nang dumating ako. Nasa trabaho pa siguro. "Hi - hindi ko naman sinasadya na mangyari iyon eh." "Anong hindi sinasadya? Eh kasasabi mo lang kanina, ikaw ang unang humalik sa kuya mo. 'Wag mong sabihin nagk

