Chapter 1 - Ellah

1113 Words
Pauwi na kami ni Xantiel from school. We're in fourth year college kaya walang araw na hindi kami magkasama puwera na lang kung may emergency na kailangan talaga minsan ay may lumiban sa amin. Habang sakay kami ng kotse pauwi ay hinawakan ni Xantiel ang isang kamay ko 't pinisil. Nakatitig lamang siya sa akin kaya napangiti naman ako. Sa mga titig niyang iyon na sinasabing ako lang ang mahal at nagmamaay-ari sa kan'ya. Walang imik kaming pareho habang nasa b'yahe ngunit ang mga puso namin ay nagkakaintindihan. Minsan, mas gusto lang talaga siguro natin ang pakiramdam na narito lang ang mahal natin, malapit o katabi. Nakakapanatag ng pakiramdam sa totoo lang. Sana ganito na lang kami palagi. Ayaw kong matapos ang ganitong sandali. Pero ang lahat ay may hangganan. "Love, malapit na ang fifth anniversary natin. Parang kailan lang patay na patay ka sa aki–" "Sino?" Piningot ko agad ang isang tainga niya. Ayan na naman kasi sa kahambugan niya! "Aray... Love! H-hindi pa nga ako tapos, eh," pagmamakaawa niya. Kahit nakakatawa ang kaniyang mukha ay pinigilan kong matawa. "Eh, ano?" "Pat*y na pat*y ka sa akin noon, pero, mas pat*y na pat*y naman ako sa 'yo ngayon!" Saka ko binitawan ang tainga niya. Ngumuso siya 't animo'y nasaktan talaga at nagtatampo kaya 't napairap na lamang ako. "Love, ang sakit ng tainga ko. Gamutin mo 'to!" 'Tss...parang Bata!' "Bahala ka, kung anu-anong imbento mo riyan. Ako? Pat*y na pat*y sa iyo? Baka nakalimutan mo na ayaw na ayaw ko sa iyo noon." "Noon iyon. Bakit? Mahal mo naman ako Ngayon ah! Ha?" 'Tss...isip bata!' Buti na lang at nakarating na kami sa bahay. Hindi ko na siya sana papansin ngunit hinawakan nito ang kaliwang braso ko 't pinigilan makababa. "Love, sorry na. 'Wag ka nang magalit," akala niya talaga galit ako. Minsan talaga may pagka– ay ewan! "Baba ka na, hindi ako galit. Ayusin mo iyang mukha mo nasa bahay na tayo," ani ko sa kan'ya. Oras pa talaga niyang magtampo. "Talaga? Hindi ka galit?" "Hindi!" Bigla ako nitong kinabig at naramdaman ko na lamang ang labi niya sa labi ko. Banayad ako nitong hinalikan at aaminin kong walang pagpo-protesta sa akin. "I love you," mahinang sambit ni Xantiel na punong-puno ng pagmamahal. Ngunit may kirot sa puso ko. Alam kong lahat ng ito ay may katapusan. "I love you, too. Xantiel." Hindi ko na mapigilan ang aking mga luha na nais nang pumatak kung kaya 't yumakap na ako sa kan'ya para ikubli ang mga iyon! Marami pa akong gustong sabihin subalit parang may bumabara sa aking lalamunan, tila naumid ang aking dila. Sa yakap kung iyon ay pinaramdam ko na lamang na mahal na mahal ko siya. Napapikit ako kasabay ng mga luhang pumatak ang labis na sakit, ang nadarama ko sa bawat araw na lumilipas ay siyang pamamaalam ko sa kan'ya. O, baka hindi na. 'Hindi ko kaya!' Pasimple kong pinunasan ang aking luha bago ako kumalas sa pagkakayakap sa kan'ya. "Let's go, gutom lang iyan!" Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. Legal kami both sides kaya talagang maayos ang naging relationship namin ni Xantiel. Masasabi kong siya na rin talaga hanggang sa huli. Muli, nakaramdam na naman ako ng lungkot. "Mom! We're here," tawag ko kay mommy. Agad ko namang naamoy ang nakakagutom na niluluto mula sa kusima. For sure, nagluluto na si mommy. "Love, wait. I'll change muna, ha?" "Oh sure, take you time," nakangiting ani nito. 'Ang pogi!' "Hello mga anak. Good evening," bati ni mommy. Lumabas ito mula sa kusina bago pa ako maka-akyat ng hagdan. "Good evening, po, Tita." "Mom, sa room muna ako. Ikaw na po muna bahala kay Xantiel." "Sure, halika 'nak. Tulungan mo 'ko sa paghahanda ng dinner natin. Okay lang ba sa iyo?" Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Kumindat pa muna sa akin si Xantiel bago sumunod kay mommy. 'Kilig... Ang rupok ko!' Mabilis lang akong nakapagbihis, naglagay ako ng konting face powder and nag apply na rin ng light lip stick para mawala naman ang konting Hagardo Versosa ko. Sinuklay ako ang lampas balikat kong buhok subalit gano'n na lamang ang aking pagkabigla. Namimilog ang aking mga mata habang nasa palad ko ang mga ito. Maraming nalagas na mga hibla sa aking buhok. "No way! Please, not this time," garalgal ng boses kong sambit, naiiling na akala mo kapag humindi ako ay titigil rin ito. Kinalma ko ang sarili dahil hindi puwedeng makita ni Xantiel na umiiyak ako. Mag-alala iyon. Muli akong pumasok sa banyo at naghilamos, konting re-touched bago lumabas ng room ko. "Wow! Mukhang Masarap ang niluto mo, Mom. Hanggang sa room ko ang bango," bungad ko sa kanila habang masayang nag-uusap. "Of course, anak. Hinanda ko ang paborito mong sinigang na baka at may dessert din akong ginawa. Mango float." Hinapit ako sa bewang ni Xantiel at bumulong "Kumain ka nang marami, Love. Parang pumapayat ka." Natigilan ako. Nahahalata niya? Sa nakalipas na dalawang buwan ay talagang hindi maganda ang naging pakiramdam ko. Pinipilit ko lamang maging masigla kapag kasama si Xantiel dahil ayaw kong malaman niyang tungkol sa lagay ko. Masaya ang naging dinner naming tatlo nila mommy. Hindi namin kasama si Daddy dahil gagabihin umano ito ngayon at maraming pang dapat tapusin sa trabaho. Isang doctor ang daddy ko. Gusto ko rin sana maging doctor noon pero sabi ni dad, pag-isipan kong mabuti. Hindi naman sa ayaw nito na maging doctor ako. Binigyan niya lamang ako ng option dahil isa akong babae. Balang araw kapag mag-asawa 't magka-anak na ako ay kailangan mas nakatutok ako sa pamilya at alagaan ko ang mga ito. May point naman si dad kaya ginawa ko ang sinabi niyang pag-iisipan ko pa. Sa ngayon, Businesses Management ang kinuha kong course. Nanlumo na naman ako sa isiping hindi ko naman na magagawa Ang mga iyon. Isang gabi ay narinig ko ang pag-uusap ng parents ko. Lalo akong nasasaktan nang marinig kong magsalita si dad at malamang umiiyak ito. Ito ang kauna-unahang narinig kong umiiyak si dad. Pakiramdam ko ay hindi nila deserve ang nangyayari sa amin. "May pag-asa pa, Honey. Please... 'Wag Kang panghinaan ng loob para sa anak natin." Naikuyum ko ang aking kamao, hawak ang aking damit na nagusot na. Nahihirapan sila nang dahil sa akin. "How, Aireen? I'm a doctor for f*cking sake! Anong silbi ko kung hindi ko mapagaling ang sarili kong anak?! I don't wanna loose our daughter. My princess," tumatangis nitong saad. Hindi ko na kaya pang marinig kung ano pa man ang sumunod pa! Tumakbo na lamang ako patungo sa garden at doon ko binuhos lahat ng sakit sa dibdib ko. Ito ba ang laban na wala akong panalo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD