DAX’s POV Sa huling parte ng misa ay nagpatawag na pumunta sa harapan ang mga may kaarawan para ma-bless. Kaya naman nagpunta kami ng baby ko. “Bakit kasama ka pa? May birthday at may anniversary lang ang pinapalapit.” Anas nito sa akin. “Exactly! Iyon din ang rinig ko at ngayon ang araw ng ating anniversary kaya pupunta rin ako sa harapan.” Sagot ko rito at iginiya ko na siya palapit sa may unahan. “Sandali, hindi pa kita sinasagot. Paano na naging tayo na?” nagsasalita siya habang papunta kami sa unahan. “Ako ang sumagot sa iyo. Kaya ngayon ang anniversary natin. Sinasagot na kita baby. Mahal ka rin ni Daddy.” Hinila ko na siya at nagsisimula na ang bendisyon. Mas maganda itong simula para sa aming samahan. Nawa ay ilayo kami sa mga problemang dalawa para laging masaya ang relasyo

