72

1607 Words

DAX’s POV “Daddy, gising na. Madilim na sa labas.” Dinig ko ang malambing na boses ng aking baby. Hinahaplos pa nito ang aking mukha, lalo na sa parte na may mga buhok. “Baby, bukas na tayo umuwi sa bahay.” Nanatiling nakapikit ang aking mga mata at hinuli ko ang kamay nito at dinala ko sa aking mga labi. “Dito na muna tayo. Kapag lumabas na tayo rito, hindi na kita mayayakap tulad nito.” “Kung hindi tayo uuwi, paano ka magsasabi na dito ka na titira at isasama mo ako? Kapag nandito ka na, pag-uwi mo galing sa opisina ay makakasama mo na ako. Kaya umuwi na tayo para maayos ko rin ang mga gamit ko. Isa pa, baka kung ano ang isipin nila. Pwede bang mag-taxi na lang ako pag-uwi? Mahirap na umuwi tayo na magkasabay. Tapos bukas isasama mo na ako sa condo mo. Bangon na tayo, Daddy Dax.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD