KASSY’s POV Nakabalik din ako sa condo ni Dax. Walang nagawa si Tiya Mila dahil sa ipinakitang video ni Onak. Hindi naman halatang lasing siya sa video. Natatawa na lang kami dahil napakamot sa ulo si Tiya Mila. Babalik din ako sa Cavite after new year. “Baby, sa bahay tayo matutulog ngayon. Walang kasama si Mommy sa bahay dahil kanila Hanz mag-stay ang mag-ina. Okay lang ba sa iyo? Sunduin na lang kita mamaya sa room mo.” sambit nito sa akin sa kabilang linya. Nasa office pa siya pero maririnig ang boses niya maya’t maya. Panay ang tawag nito para hindi raw ako mainip. Napaka-maalaga niya talaga. “Okay lang sa akin, Daddy. Alam ko naman na makakagawa ka lagi ng paraan kapag ginusto mo. Sige lang. Hindi kaya magtaka sila na babalik ako sa malaking bahay?” Naka-ilang uwi na siya

