DAX’s POV Ilang araw akong naging abala sa aking trabaho. Hindi kasi ako papasok ngayong araw ng Lunes at ito ang death anniversary ni Lily. Sa busy ni Thisa ay nawala sa isipan niya. Ito rin naman ang gusto ko na dumalaw akong mag-isa sa puntod ng namayapa kong asawa. Hindi na naman ganoon kalungkot at wala na rin ang sakit. Oo wala na ang sakit, kahit maaalala ko siya nitong mga nakaraang araw ay hindi na ako nakakaramdam ng pangungulila. Sa haba nang panahon ay nanatili sa aking puso ang pangungulila para sa aking namayapang asawa pero hindi na ngayon. Marahil ay sa umusbong na damdamin ko para sa isang tao. Maaga akong nagising at maaga rin akong naghanda para pag-bisita ko ay hindi pa mainit. Pero bago ako pupunta sa cemetery ay dadaan muna ako sa simbahan para mag-offer ng pr

