KASSY’s POV Second day ko sa office ni Dax ngayon. Pinatuloy ako sa opisina nito dahil wala naman akong work place talaga sa plantang ito. Palabas lang ang lahat. Tumunog ang telepono rito sa loob. Ako lang ang tao kaya ako lang ang pwedeng sumagot. “Hello! Good morning!” magiliw kong sagot dito. “Hi, baby! Mas maganda ka pa sa morning.” Masaya rin nitong bati sa akin. Ang Daddy Dax ko ang nasa kabilang linya. “Baby, I’m on my way to Manila right now. Hindi na ako nakapag-paalam dahil biglaan. Pinapauwi ako sa bahay. Tawagan na lang kita. I have instructed my staff to teach you how to use a laptop, and Ms. Fronda will enroll you in a short online course. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik sa Cavite. Nami-miss na rind aw ako ni Thisa kaya magpapakita muna ako sa kanila. But I’ll

