KASSY’s POV Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. Aabutin ko na sana ito para patahimikin nang may mabigat na kamay na nakadagan sa aking tiyan. Sinundan ko pa ng tingin ito at totoo na may katabi akong gwapong mama. Akala ko ay magandang panaginip lang ang nangyari. Hindi pala at narito ang pruweba. Kapwa wala kaming suot na damit. Hindi ako giniginaw kahit walang kumot dahil sa init ng kanyang katawan. Malaya kong napagmasdan na naman ang mukha nito. Nakaharap ako sa kanya at hindi ko maiwasan na haplusin ang kanyang mukha. Tila kinakabisado ko ang bawat parte nito. “I love you, Daddy Dax,” mahinang usal ko. Hindi naman niya ako maririnig dahil tulog na tulog ito. Hinalikan ko pa ang mga labi niya na bahagyang naka-awang. Kailangan kong bumangon na at maghahanda pa ako dah

