KASSY’s POV “Natulala ka na d’yan?” bahagya pa akong niyugyog ni Manang Minerva. “Hind naman po, Manang. Nabigla lang po ako dahil ang sabi po ninyo sa bahay po muna kayo nina Sir Dougz at Ma’am Ivy.” Magalang kong sagot kay Manang habang pumapasok ito sa loob. “Umuwi muna ako dahil may sakit ako. Nilalagnat ako at may ubo’t sipon.” Sagot pa sa akin ni Manang Minerva. “Mahirap na nandoon ako, baka mahawahan ko pa ang mga katulong doon at pati ang mga baby ay madamay. Ayaw kong ako ang maging dahilan ng kanilang pagkakasakit. Ang gandang bulaklak niyan, ah!” Nakita niya ang bulaklak na bigay ni Daddy Dax. Hindi ko pa naiaayos ito dahil may laman pa ‘yung vase. “May nagpadala po,” pag-amin ko na akin ang bulaklak. “May boyfriend ka ba? Sabi ni Mila, wala kang boyfriend.” Wika ni Ma

