135

1212 Words

KASSY’s POV Hanggang ngayon ay hindi nawawala ang pamumula ng aking mukha lalo na at nagtatama ang aming mga paningin ni Dax. Ito ba ang sinasabi niyang aalisin niya ang kaba ko dahil para akong malulusaw kapag dumadako sa akin ang paningin niya. “Baby, bakit?” nasa byahe na kaming dalawa. Naantala pa saglit ang pag-alis namin dahil nagpaalam pa kami kay Tiya Mila. Ang dami pa nitong ibinilin sa amin lalo na kay Dax. Magaling naman makisama ang isang ito at puro opo lang ang sagot kay Tiya Mila. Hindi siya pwedeng kumontra at baka hindi pa ako pasamahin sa kanya. “Huwag mo na akong tingnan. Sa daan mo na lang ibaling ang mga paningin mo. Nasa highway na tayo, Daddy.” Ayaw kong sagutin ang tanong niya. Alam naman niya ang ipinagkakaganito ko. Hindi na sa pamilya niya ako nahihiya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD