DAX’s POV Natatakot ang baby ko na may gawin kami sa loob ng sasakyan. Hindi ko pa naman din nasubukan iyon at sana ngayon ay magawa namin pero tumanggi siya sa akin. Wala naman akong dapat ikatampo dahil kung makakakita rin ako ng mga taong may ginagawa sa sasakyan ay iba rin ang iisipin ko. Tama siya, nandito na nga kami sa building kung nasaan ang unit ko. Malinis ang unit ko dahil may nag-me-maintain na tagalinis iyon. Madali na lang magsabi kay Mommy na hindi ako makakauwi. Pwede kong sabihin na nasa site ako. Minsan naman ay hindi talaga ako umuuwi kung may pinupuntahan ako o kaya ay may meeting. Hindi naman din mapapansin ni Mommy kung wala si Kassy sa bahay. Marami kaming maid at hindi na rin naman niya kilala ‘yung iba. Hindi tulad noon na kilala niya ang lahat. Kay Manang

