DAX’s POV Nagyaya na si Mommy na umuwi na kami ng bahay. “Manang Minerva, nasaan na po si Kassy? Isasabay na po namin siya ngayon.” Wala pa ang dalaga rito. Si Mommy naman ay uwing uwi na. “Bukas ko pa sana siya papauwiin. Baka kailanganin pa namin ng makakasama rito.” Sagot sa akin ni Manang Minerva. Medyo nag-iba ang timpla ko. “May ipapagawa po ako sa kanya bukas sa aking condo. Isasabay ko siya pagpasok bukas.” Sagot ko rito. Kaharap namin si Dougz at nagsalita naman ito. “Marami na naman tayong kasama rito Manang Minerva. Pasabayin na po ninyo si Kassy kay Kuya. Sa kanya naman si Kassy este sa kanilang bahay si Kassy. Doon naman talaga siya nagtatrabaho.” Nagakatinginan pa kami ni Dougz. Ayos din ang kapatid ko, suportado ang kaniyang Kuya. Napatango pa ako rito at pasimpleng

