4

1021 Words
KASSY’s POV Totoo ba ‘yon? Hinalikan niya ako habang nasa ilalim kami ng tubig. Akala ko sa movie lang iyon nangyayari, mayroon pala sa totoong buhay. Hinila pa niya ako talaga para halikan. Ano ba kasi itong si Cinderella at may pasigaw? Mabuti na lang at wala si Manang Minerva ngayon, kundi mapapagalitan ako. Ang iksi na nga ng uniform ko, nabasa ko pa. Kung manghihiram ako sa kanila baka mas lalong maiksi para sa akin. Pero jusko, siya ‘yung nasa picture. Hindi siya driver, siya ‘yung kahalikan ko kagabi. ‘Yung halos lamunin ang bibig ko. Gano’n ba talaga siya? walang usap-usap at basta na lamang niya inaangkin ang aking mga labi at grabe ‘yung matigas na tumama sa aking hiwa kanina. Gustong bumaon sa katawan ko. Dax ang rinig kong sinabi niyang pangalan kagabi. Ang tawag sa kanya ni Cinderella ay Sir Padz. Paano nangyari ‘yung Sir Dax to Sir Padz? Kakaiba rin itong kasama kong si Cinderella. Sobrang talkative. Mabuti at may kani-kaniya kaming mga assignments dito sa bahay dahil kung wala baka maghapon ay uusapin lang niya kaming lahat. “Ibang damit na lamang muna ang susuotin ko. Pwede naman siguro na hindi muna uniform hangga’t hindi pa natutuyo ito.” Sarili ko lang naman ang kausap ko rito. Mag-isa ako sa kwarto dahil sa isang anak ni Madam pupunta si Manang Minerva. Nilabhan ko na rin ang uniform ko habang naliligo ako. Kanina pa may katok nang katok sa pintuan. Nakasuot na naman ako ng damit. “Sino po ‘yan?” tanong ko bago ko buksan ang pinto. “Ako ito, si Cinderella.” Anong kailangan nito sa akin? Binuksan ko na at baka malakas ang boses niya sa labas dahil sumisigaw na ito. “Bakit po?” matanda siya sa akin pero mas matangkad ako sa kanya. Sabi ni Manang Minerva ako ang pinakabatang katulong dito. Hindi rin naman halata dahil matangkad ako at hinog na hinog na ang aking pangangatawan. “Pinapatawag ka kasi ni Sir Padz. Kanina hinanap ka rin niya. Nung sinabi kong nasa may labas ka at naglilinis, ipinalabas niya ang pagkain niya. Hanggang sa makita kita dahil ‘yung kuyukot mo nakikita na sa pagkakatuwad mo. Ito naman si Sir Padz, akala mo ang lalim nung lalanguyin e. Marunong ka naman palang lumangoy. Alam mo, kanina limang paligo lang ang lamang mo sa akin. Naka-dalawa ka ngayon lang kaya pitong paligo na ang inilalamang mo.” Ang iksi ng tanong ko pero ang sagot niya ay kay haba. Mabuti na lang at natutuwa ako sa kanya. With aksyon pa kasi ang kanyang pagkukwento. Pati paliligo ay binibilang pa nito. Bakit ako tawag ni Sir? “Sige, sunod na ako. Suklayin ko lang itong buhok ko.” Sambit ko rito. “Wala ka na bang ibang damit?” tanong sa akin ni Cinderella. “Meron naman. Bakit? May mali ba sa suot ko? Nabasa ang uniform ko, pinapatuyo ko pa.” Ang sinuot ko ay white t-shirt at shorts na hindi naman sobrang iksi. “Kitang-kita kasi ang kulay ng bra mo. Pink na pink pa at yung ut0ng mo, bumabakat. Wala ka bang palda?” Ano ito may dress code. Kakaligo ko lang kaya bakat pa ang mga ut0ng ko. O dahil may kakaiba akong nararamdaman sa aking katawan dahil sa naisip kong matigas na bagay kanina? “Anong susuotin ko? Ito lang ang tingin kong pwede. Itatakip ko na lang ang mga buhok ko mamaya pagpunta ko kay Sir. Mahaba naman ang buhok ko kaya kayang takpan. Kakaligo ko lang pati kaya ganyan iyan.” Sagot ko rito at yumuko pa ako para tingnan ang sinasabi niyang bakat. “Sabagay ‘yung sa akin din e. Halatang halata kapag kakaligo ko rin lang saka kapag nilalaro ng boyfriend ko,” bumulong pa ito. “Naranasan mo na ba iyon? May boyfriend ka ba?” puro iling ang sagot ko kahit naranasan ko na kahit sandali ang sinasabi niya. Bigla na naman nag-init ang katawan ko. “Baka hindi ka pala lamang sa akin ng paligo. Wala ka palang boyfriend. Ako kasi may boyfriend at magkikita kami sa day off ko. Panay na nga ang message at miss na miss na raw niya ako. Ang sarap pa naman niyang kuma-“ “Cinderella, nasaan na si Kassy?” boses ng lalaki iyon. Ang ganda ng kanyang boses. Parang announcer sa radio. “Sir Padz, nandito po at tinatawag ko na nga po. May sinasabi lang po ako sa kanya.” “Pumunta ka na sa kusina at tulungan mo na sila roon. Ikaw yata ang hinahanap nila para magluto.” “Yes, Sir Padz. Sabi ko po kasi sa kanila ay tuturuan ko silang magluto ng masarap na menudo. Mula pa po sa kanununuan ko ang recipe, kaya excited silang matikman ang ipinagmamalaki kong pagkain. Sigurado po ako, Sir Padz, magugustuhan po ninyo ang aking luto.” Sagot nito kay Sir. Hindi ko pa nakikita si Sir dahil natatakpan pa siya. “Mukhang masarap nga iyan. Sige na at simulan mo na, mukhang matagal ang proseso ng iyong menudo. Ako na ang tatawag kay Kassy.” Pakiramdam ko ay pinapaalis na ito. ni Sir. “Bakit pa po ninyo tatawagin? Ito lang po siya at kausap ko. Nasa exciting part na po kami nung bigla ka pong sumingit. Sige na, Kassy. Kailangan na ako sa kusina. Kailangan ako para makakain naman ang mga tao rito ng kakaibang putahe. Kausapin mo na si Sir Padz. Babush. Bye, Sir Padz. Kapag hindi po kayang gawin ni Kassy, ako po kaya ko. Experienced na po ako. Kaya all around maid po ako.” Akala ko hindi na matatapos ang sasabihin ni Cinderella. Siya ‘yung tao yata na kayang magsalita nang buong maghapon. Natatawa pa ako nang biglang sumulpot naman ang mukha ni Sir. Alam kong nasa. labas na rin siya. Hindi lang basta sumulpot, dahil itinulak ako nito papasok sa loob ng kwarto at isinara niya agad ang pinto. Narinig ko pa ang tunog ng pagkaka-lock nito. Anong gagawin ni Sir dito? Bakit pa siya pumasok?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD