KASSY’s POV Nagtrabaho ako pagkakain ko. Nagpahinga man ako kanina, bumawi naman din ako. Kahit kumakain na sila ako ay nagtatatrabaho pa rin. “Gabi na, hija, nagtatrabaho ka pa?” nakita ako ni Madam sa living room na naglilinis. “Patapos na po, Madam.” Iyon na lamang ang isinagot ko. “Magpahinga ka na pagkatapos niyan. Hindi ka pa yata kumakain.” Dugtong pa nito. “Opo, Madam.” Mabuti at umalis na si Madam. Paakyat na siya sa hagdanan. Maaga siya kung magpahinga. Kaya kung aakyat ako sa kwarto ni Daddy Dax, hindi naman ako makikita ni Madam. Ang pwede lang makakita sa akin ay ang mga kasamahan ko na katabing kwarto ko rin. Tatapusin ko lang naman ito at magpapahinga na ako. Mamaya darating na ang aking Daddy Dax at may usapan kaming dalawa. Kailangan kong maligo at linisin mabuti

