DAX’s POV Hindi ako makatiis na hindi makita ang baby Kassy ko. Kahit hatinggabi ay nag-drive ako papuntang Cavite. Pagdating ko sa lugar nila ay tahimik na ang paligid. It’s already one o’clock in the morning. Nakakahiya naman kumatok at mangbulahaw. Babalik na lang ako mamaya pagsikat ng araw. Tumuloy muna ako sa apartment na malapit lang din sa kanila. Sa ganitong pagkakataon ko pala ito magagamit. Hinubad ko agad ang mga saplot ko. Naiwan pa ang amoy namin ng baby ko sa kama. Kahit papaano ay parang nandito rin siya. “Huwag ka na magtampo, baby Kassy. Ikaw lang ang mahal ko. Kahit gaano pa karami ang babae sa harapan ko kahit nakahubad pa sila ikaw pa rin ang hahanapin ko.” Mag-isa akong nagsasalita rito sa kama. Nakatingin ako sa kisame at inaalala ang mga sandali na magkasama

