KASSY’s POV Ilang araw na sila Dax na uma-attend sa seminar. Kasama niya si Dougz. Kailangan kong masanay na tawagin siya na Dougz dahil mas bata siya kay Dax. Maghapon akong naglilinis ng aming kwarto rito at tumutulong din ako sa kusina. Kanina pa naka-alis si Dax at ngayon ay inaabala ko na naman ang sarili ko sa pagliligpit dito sa kwarto. May kumakatok kaya iniwanan ko muna ang ginagawa ko. Nagulat ako na si Mommy ang nabungaran ko. Binuksan kong maigi ang pinto. Wala naman akong dapat itago. “Good morning po, Mommy.” Nakangiti kong bati rito. Nakangiti ang magandang mukha ni Mommy ng bumungad ito, “Good morning, hija! May gagawin ka ba?” tanong nito sa akin. “Nag-aayos lang po ako ng kwarto. Nililinis ko lang po. May ipapagawa po ba kayo?” Nahihiya kong sagot dito. Hindi n

