DAX’s POV Umalis kami kaninang madaling araw ng aking baby sa aming apartment sa Cavite. May liwanag na rin ng marating namin ang resort. Habang nasa byahe kaming dalawa ng baby ko ay wala kaming ginawa kundi magtawanan at magkwentuhan. Pinagkukumpara namin ang mga uso noong kabataan ko at sa age niya. Alam ko naman ‘yung pagdating sa edad niya dahil sa anak ko. Kaya siya ang na-amaze. Hanggang sa resort ay hindi pa rin kami makatulog dahil magdamag kaming natulog na dalawa sa pagod at puyat noong nakaraang araw. Kung hindi siguro natapos kaagad ang period ng baby ko, baka laging maaga ang tulog naming dalawa. Akala ko new year pa ako makakapagpaputok. “Daddy, pwede ba tayong maglakad-lakad sa tabi ng dagat?” Nakasilip ito sa aming terrace. Nasa kabilang side naman ang jacuzzi. Magand

