DAX’s POV May ilang Linggo na kami na magkasamang dalawa ng aking baby dito sa condo. Masaya ang pagsasama naming dalawa. Nag-aaral siyang magluto kahit na okay lang sa akin na um-order na lang kami. Ang gusto ko lang ay dadatnan ko siya rito sa bahay sa tuwing uuwi ako – iyon lang ang nais ko. Kasal na ni Dougz ngayong araw. May pictorial kaya kailangan kong pumunta ng maaga sa hotel kung saan naka-check in sila na pamilya ko. Isinasama ko si Kassy pero ayaw niya. Kaya dito na lang ako sa bahay natulog at ngayong araw ako pupunta roon. “Baby, pwede pa magbago ang isip mo. Samahan mo na si Daddy. Malungkot kapag wala ka.” Paglalambing ko rito. Nakahiga pa kaming dalawa at dahil walang pasok ngayon ay nag-extend kami ng oras kagabi. Nasa usapan na namin iyon. May limit para hindi ri

