DAX’s POV Hindi ko masundan ang aking baby dahil maya’t maya may sinasabi si Thisa. Mahirap din na iwan ko lang sila basta. Nag-aayos pa siya ng mga dala at marami rin siyang kwento kahit kaharap din si Mommy. Halatang-halata kapag nawala ako sa paningin niya. Miss ko silang mag-ina kaya naman si Ethanz ay kinuha ko mula kay Andy. Paglingon ko ay nandito si Kassy at may inilabas na mga inumin. Hindi ko na naman nahuli ang kanyang paningin. Paano ba ang gagawin ko nito? Pinagseselosan ba niya si Andy? Ang babata nito, mga kaibigan din sila ng anak ko. Bata nga rin pala ang baby ko. Pero iba siya, iba sa mga ito. Kaibigan sila ni Thisa at wala akong nararamdaman sa kanila na kakaiba. Hindi katulad sa kanya. Kung pwede ko lang siyang sundan ngayon pero karga ko si Ethanz. May sinasabi

