KASSY’s POV
“Uminom ka lang ng tubig, e bakit parang hingal na hingal ka na?” tanong ni Manang Minerva sa akin habang pabalik kami ng kanyang silid. Hindi ko na nga siya sinabayan at nagpapahuli ako sa paglakad, pero hinintay pa ako ni Manang at sinabayan. Kaya nakita niya na humihingal pa ako.
Sino ba ang hindi hihingalin kung halos kainin na nung lalaki ang bibig ko. Sinisipsip pa niya at kung anu-ano pa ang ginagawa ng kanyang dila. Pero infairness ang sarap nung pinaranas niya sa akin. Ngayon lang ako nakaranas na kainin ang aking bibig. Nagkaroon naman ako ng boyfriend pero ex ko na siya ngayon. Hanggang smack lang kami ni Rhein. Hindi ko siya pinapayagan na halikan ako nang matagal. At bihira lang din iyon mangyari, napipilitan nga lang ako. Kanina, hindi ako sigurado kung napilitan lang ba ako kasi lumaban ako. Ang dila niya na ipinasok sa loob ng aking bibig ay dinilaan ko rin. Para ngang naglaro ang mga dila namin sa loob ng aking bibig.
Mabuti na lang at kakatapos ko lang din mag-toothbrush. May lasang alcohol ang bibig nung kahalikan ko pero masarap naman ang lasa.
Nakakabigla talaga ang pangyayari. Binanggit lang namin ang mga pangalan namin at pagkatapos ay nagsabong na ang aming mga labi. Wala kaming relasyon pero hinayaan ko siyang halikan ako at pati ang mga svso ko na hindi ko nga pinapahawakan kay Rhein ay nasvso pa niya. Alam ko ang mga ginagawa niya dahil napapanood ko ang mga iyon sa mga English movie. Hindi ko lang inaasahan na mararanasan ko na agad siya ngayong gabi. Paano kaya kung hindi ako sinundan ni Manang Minerva? Kung hindi niya narinig ang mga pusang maingay?
Ayon kay Manang Minerva, ang nakatira sa bahay ay tatlo lang. Isang matandang babae, isang byudo, at ang anak nito na nasa Amerika pa. ‘Yung isang lalaki raw ay may asawa na at nakahiwalay. Doon siya madalas sa araw nakatigil at sinasamahan ang mag-asawa. ‘Yung mga tao rito, madalas din na wala ang mga ito dahil pabalik-balik nang punta sa Amerika. Hindi ko pa sila nakikilala dahil wala sila kanina nung dumating ako. Kababalik lang din nila galing Amerika. Mukhang dito na sila uli for good.
Noong nakaraang buwan pa nagsabi sa akin ang aking tiyahin na kaibigan ni Manang Minerva na naghahanap ito ng kasambahay. Matatapos na ang contract ko sa factory ng candy kaya nagsabi ako na ako na lamang ang kunin lalo na’t malaki ang sahod. Sino pa aayaw sa Fifteen Thousand per month at libre pa ang lahat? Sa factory, pagod na pagod ang katawan ko at ang sahod ay hindi ganito kalaki. Mababawasan pa ng pamasahe at pangkain ko. Isa pang nagustuhan ko ay hindi raw matrabaho rito. Mas mahaba ang pahinga kaysa sa trabaho. Kaya bakit pa ako babalik sa pabrika kung matatapos din lang every six months? Utak ang pina-iral ko. Hindi lahat ng katulong ay ganito kalaki ang sahod. Kaya inako ko na agad. May day-off din naman at malapit lapit lang din naman ang lugar na pinanggalingan ko. Taga General Trias, Cavite lang ang province ko. Kaya nandito na ako ngayon dahil tapos na ang trabaho ko sa pagawaan ng candy.
Kakaiba lang dito, may pa-welcome pa sa akin na torrid kiss with matching pisil pisil sa aking mga svso at ang nakakakiliti niyang pagdede sa mga ito. Hindi kaya bumagsak ang mga ito dahil nalamas at nasvso na? Naririnig ko kasi iyon sa kapitbahay namin na may boyfriend na ang anak. Baka raw pinapalamas ang dede at pinapadede ang boyfriend kaya lumalaki ang mga dede at lumalawlaw. May kalakihan pa naman ang mga svso ko at tayung-tayo ang mga ito. Kaya hindi ko talaga pinayagan si Rhein na makasalisi sa mga ito. Tama lang din dahil hindi naman kami nagtagal. Kiss lang nakuha sa akin ni Rhein. Wala lang din naman parang beso-beso lang pakiramdam ko kahit sa lips pa. Malalaman ko bukas paggising kung may katotohanan na lalawlaw ba ang mga ito. Napayuko pa ako at tayung-tayo pa rin naman sila. Mas bumakat pa ang mga ut0ng ko. Wala akong bra dahil patulog na ako. Nauhaw lang ako at walang tubig na inumin sa silid ni Manang Minerva.
“Hindi ka na sumagot, Kassy.” Ulit ni Manang Minerva. Ang layo na kasi ng narating ng aking isipan.
“Napabilis po kasi yung inom ko ng tubig. Akala ko po kasi may mumu kanina, kaya minadali ko po. Kayo lang po pala iyon. Nawala na nga po ang hingal ko.” Sambit ko kay Manang Minerva.
Sa kwarto niya kami matutulog. Dalawa naman ang higaan kaya hindi kami magkatabi. Mas okay dahil baka kung sa iisang bed lang kami mag-share ay hindi pa siya makapagpahinga dahil sa likot ko.
Alam kong malikot ako ngayon dahil mahirap matulog. Magpapabaling-baling lang ako sa kakaisip sa lalaking iyon. Hindi malinaw ang kanyang hitsura pero sa amoy pa lang sigurado ako na gwapo ito.
Gano’n din kaya siya kay Manang Minerva kapag nakita niya itong mag-isa sa dilim at umiinom ng tubig? Hahalikan din ba niya?
Nakahiga na ako at nakatalikod ako kay Manang Minerva. May itinira siyang ilaw kaya baka mabanaag pa niya ako kung ang mga mata ko ay mulat na mulat. Hindi ako makakatulog dahil hanggang ngayon ay ramdam ko ang bibig nung lalaki sa mga parte ng katawan kong hinalikan niya. Siya kaya, nakatulog na ba? May isa pa akong iniisip yung bagay na matigas na inihahadhad niya sa aking puson. Mas matangkad ang lalaki pero ang kanyang mukha ay hindi ko man lang nabanaag.
May nakita akong picture kanina sa living room nila pero dalawa ang lalaki. Alin man siya sa dalawang iyon ay gwapo ang hitsura. Ang tanong, yung isa nga bang nasa larawan ang lalaking nakahalikan ko? O hindi kaya driver lang ito? Ano bang gagawin nung amo namin sa kitchen? Kung iinom lang din naman siya ng tubig ay meron naman sa kwarto ng mga ito. Isa ‘yon sa mga nabanggit ni Manang Minerva.
Mas malakas ang dating sa akin nung isang nasa picture. Para kasing maloko ang isa at ‘yung isang gwapo ay parang responsable. Ganoon ko nabasa ang kanilang larawan. Babae ako kaya ang mukha lang ng mga lalaki ang concern ko. Magaganda naman ‘yung mga babae pero mas interesado ako sa isang lalaki.
Kung siya iyon, ang swerte ko. Kung magkita kaming dalawa bukas, I-kiss pa rin niya kaya ako? Mauulit pa kaya ang pangyayaring naganap kanina?
Sana matapos na ang gabi, para magkita kami at para malaman ko kung siya ba ang lalaki na nakita ko sa malaking frame at ang nakahalikan ko. Si Dax – ito ang pangalan na sinabi niya kanina.