DAX's POV Nagkaroon ako bigla ng pag-asa nang makita ko ang baby ko at napangiti siya. Hindi kaya nangiti siya dahil hindi ko alam ang simula ng kanta? Pinuntahan ako ni Tiyo Pepe sa apartment tulad ng napag-usapan namin kanina. Natagalan daw siya kasi nanghiram pa siya ng gitara sa kaibigan niya. Ngayon nandito na kami sa harapan ng bahay nila. May dala pa kaming speaker para mas maganda raw ang dating ng music. Siya na rin ang nag-suggest ng kakantahin naming. Nag-practice naman kaming dalawa pero ngayong nasa harapan na kami ng bahay nila at nakikinig ang aking baby ay tinubuan ako ng nerbyos. Maganda kasi ang boses ng aking baby kaya medyo alanganin ako. “Ikaw lang ang aking mahal” ang title ng aming kanta. ‘Yon bang ngiti ng aking baby ay dahil sa pangit ang boses ko at wala sa

