DAX’s POV “Cinderella, pumasok ka at isara mo ang pinto. At saka tumalikod ka muna.” Utos ko sa kanya. Nakita na niya kami kaya mahirap na hindi pa namin sasabihin sa kanya ang totoo. Tipsy lang siya at hindi pa ganoon kalasing. Sumunod naman ito sa sinabi ko. Tinulungan kong isarado ang damit ni Kassy. Nasa likuran naman niya ako at pagkatapos ako naman ang nagmadali na magsuot ng damit. “Sir Padz, ayaw ko po. Ayaw ko po makipag-threesome. May boyfriend po ako, parang awa na po ninyo.” Sambit nito habang nakatalikod siya. Nakabihis na ako at okay na rin ang suot ni Kassy. “Anong pinagsasabi mong threesome? Humarap ka na rito at maupo ka sa upuan.” Kung anu-ano ang naiisip mo. Habang nasa upuan siya ay magkatabi naman kami ng aking baby sa gilid ng kama. “Dahil nakita mo na rin kamin

