DAX’s POV Nagising akong mag-isa rito sa guest room. Wala na ang katabi ko. Napabalikwas ako nang bangon sa isipin na baka tanghali na. Napatingin ako sa phone ko at three o’clock in the morning palang. Anong oras ako iniwan ng aking baby? Pinatulog lang ba niya ako? Anong oras na nga ako dinalaw ng antok tapos umalis pa siya. Kung susundan ko siya ngayon sa kwarto nila, magigising din si Manang Minerva. Galit siya sa akin, ramdam ko kagabi sa kanya. Tila napilitan lang siya na tabihan ako rito dahil sinabi kong hindi ako makakatulog. At ngayon ay totoo nan ga na hindi ako makakatulog sa kakaisip sa kanya. Para maging productive naman ako ay pinilit kong basahin pa rin ang project proposal ni Miss Eva. Matagal ng empleyado si Miss Eva sa MGE. Isa na siyang matatawag na haligi ng k

