I looked away. Hindi ko kayang tignan ngayon si Ked. I felt something in my heart. It aches, and I don't know why. Napapikit ako sa sakit na dulot noon. Anong nangyayari sakin? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Why all of a sudden nasasaktan ako ng ganito?
Parang pinipiga ang puso, nanggagaling sa kaloob-looban ko ang sakit. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Pati yung nararamdaman ko hindi ko nadin mawari.
Dahan dahan kong idinilat ang aking mata and all eyes were staring at me. Nahigit ko ang aking hininga.
"Uh-uh, I better go now. By the way you have no classes today. You know why..." umiiling na lumabas si Lord Corwin na hanggang ngayon hindi padin humuhupa ang ngisi sa kanyang labi.
Muli kong pinagmasdan si Ked. Nagsimulang tumingkad ang golden brown niyang mata kaya mas lalo akong kinabahan. Alam kong galit siya sa ginawa ng kapatid niya. It's a gut feeling, I can't explain pero iyon ang nararamdaman ko. Para bang may nagsasabi sakin na tama iyong nasa isip ko.
"K-ked..." bulong ng isip ko. Hindi ko maisatinig yung pagtawag ko sakanya. Baka kasi may makarinig o kung ano man. Ewan!
"Tsk."
Napatingin ako sakanya! Did he? Uh? Hah? Did he talk to me using his mind?! Wee? Telepathy? Seryoso?!
Nakita ko nalang itong tamad na naglalakad palabas ng classroom. Wala nading dumating na prof kasi nga wala pala talagang pasok ngayon. At ano daw yung sabi ni Lord Corwin kanina? They know why kung bakit walang pasok ngayon?
Muli akong bumalik sa wisyo ko. Nagsipag labasan nadin yung iba kong classmate. Even Ems and Ash ay walang imik na lumabas.
Nang ako nalang ang natira sa room doon lamang ako nakahinga ng maayos. Feeling ko kasi nung nasa loob kaming lahat suffocated ako, I can't breathe properly. Para bang bawat hininga ko ay alam nila! Ganoon ako ka paranoid!
Napatingin ako sa pintuan. Should I follow him?
Namalayan ko nalang ang sarili ko na naglalakad sa hallway. Hindi ko naman alam kung saan siya nagpunta. Knowing this school na sa sobrang laki, ni wala pang 1/4 ang nalilibot ko.
I sighed.
Ayokong abutan ng gabi dahil hindi ko pa alam kung ano pang misteryo ng bumabalot sa lugar na ito. Miski yung mga tao dito ay hindi ko din alam kung normal ba sila o hindi. They looked like humans but in fact their strangely different.
Nandito na naman ako sa dulong parte ng gymnasium. Dito ako dinala ng aking mga paa. For now, this is the safest place for me. Kung totoong ngang safe dito. Lumapit ako sa bench na nasa harap ko, I starred at the sky for a second saka bumaba ang tingin sa lupa. Pilit ko talagang tinatanggap na si Ked ay far from normal.
On process padin ako ng nangyayari sakin ngayon, sa mga nakikita ko at sa mga tao sa paligid ko.
I sway my feet back and forth, this isn't good for me. Para bang hindi talaga tama na makasalamuha ko sila. They're dangerous. They could kill me instantly. Yung in a snap of fingers maari nilang kuhain ang buhay ko.
Humugot ako ng malalim na hininga. Wala nakong ibang magawa kung hindi mapabuntong hininga nalang this past few weeks.
Inangat ko ang aking tingin, this place looks wonderful. Itong bench na ito ay nasa gitna ng magubat na field.
Malilim ang kina pwe-pwestuhan ng upuan kaya mas lalong naging malamig ang simoy ng hangin.
The last na nagpunta ako dito ay yung...umiling ako sa naalala ko! Damn...
Iniayos ko ang aking buhok ng humangin ng kaunti. Sa lugar na ito lang ako nakakahinga ng maluwag, di tulad pag kasama ko sila Ems at Ash. Pakiramdam ko kasi may nagmamasid sakin pag kasama ko sila.
"Magandang hapon Binibining Stella."
Napalingon ako kay Theodore na nakatayo sa gilid ko. He looks normal right now, hindi siya naka coat and tie ngayon. Naka tshirt at pantalon lang siya.
"Are you the same with Ked?" diretsahan kong tanong dito. Hindi siya na shock sa tanong ko, para bang alam na niya na ganon ang itatanong ko.
Nanatiling nakatingin ito sakin. Walang sinasabing kahit ano. Lumakad ito papalapit sakin at umupo sa aking tabi.
"We may be different but were not bad as you think. It's not our fault to be like this. Walang may gustong mabuhay ng walang kamatayan. Before you met us, some were humans. There's a circumstances na naging Bampira, Werewolves at Salamangkero sila. But some of us are pure Vampires/Werewolves/Wizard since birth." he answered. Napatingin ako sakanya, literal niyang nakuha ang atensyon ko sa sinabi niya.
"What kind of species are you?" I wonder kung paano siya naging Vampires, Werewolves o Wizard. Hindi ko pa kasi alam kung alin siya sa tatlo.
He sits still. Hindi niya ako nilingon basta nakatuon lang ang pansin niya sa harap.
"I came from a family of Vampires known as Beta of Royal Family o Pure Blood." so kaya ko ito nakita sa mansyon nila Ked dahil isa siyang Beta? Uhmm...now I know.
"Your serving Ked's Family...but his different." I whispered. True enough, iba si Ked sakanilang lahat."I thought Vampires are best enemies of Werewolves like what movies shows us." I added. Yun din yung mga nababasa ko sa libro, hindi sila magkasundo kahit kelan. Lagi silang may alitan o nag kakairingan.
He smirked and shook his head in disbelief.
"Noon iyon, it was decades ago. Right now, were trying to mingle with them. Wala naman naging problema. Hindi rin kami kagaya ng ibang Bampira na nainom ng dugo ng tao, we drunk animal blood but not werewolves blood. Kaya siguro nagkakasundo kami ng werewolves, because they know we don't kill humans." he smiled and look at me.
"You are lucky to be here. Because you are safe, Alpha will protect you and no one can harm you." sumimangot ako dito. He's pertaining to Ked I know. To protect me? Tch. Sa tingin ko ay kabaligtaran iyon. Pero Vampires at Werewolves palang ang nababanggit niya, wala pa siyang nababanggit na Wizards.
I was about to speak ng magsalita ulit ito.
"Wizards are alarmingly endangered. Iilan nalang ang natira sakanila, actually si Lord Ked nalang ang isa sa dalawang natira sa lahi ng Wizards. Long ago, naganap ang isang digmaan na umubos sa lahi ng Wizards at half ng population ng Vampires at Werewolves. Tanging si Lord Ked at isang sanggol ang natira noon. We know na babae ba iyon and Lord Ked is looking for her until now."
Napaisip ako sa sinabi ni Theo, kung ganoon nasaan na kaya ang sanggol na iyon?
"Sa tingin mo ba ay nabuhay ang sanggol na iyon? And you said na buhay siya." base kasi sa pagkakasabi nito ay siguradong sigurado ito na buhay nga iyon.
"We don't know. Iyon lang ang naikwento ng mga magulang ko sakin noon." napatango ako sa sagot nito. Masaya ako at may nalaman akong kaunting history sakanila. Hindi tulad noon na para akong sira na nag hahanap ng kasagutan pero walang nakukuhang kahit ano.
"Bakit niya iyon hinahanap?" tanong kong muli. Kung hindi iyon importanteng tao kay Ked, hindi niya iyon hahanapin pa. He smiled but his brows furrowed.
"Kasi iyon ang nakatakdang mapangasawa ni Lord Ked." I froze hearing his answer. A hallow space in my stomach starts to form. Ayan na naman ang sakit na nararamdaman ko na tumatagos hanggang sa kaibuturan ng puso ko. Sht.
I heard him chuckled.
"Lord Ked is an Alpha and he needs to find his mate. They have what you called bond. No one can separate the bond except one of them decide to let go the other." he added. Mate and bond? So, iyon pala ang namamagitan sa sanggol na hinahanap ni Ked. They have what you called bond. That girl is his mate. Kaya niya pala hinahanap ang sanggol na iyon.
"I need to go now. May nasabi akong hindi ko dapat sabihin. Uhmm..." nakasimangot akong bumaling dito.
"What did you say?" asik ko dito. Pero imbis na sumagot ay tumayo ito at naglakad palayo sakin. Balak ko sana itong habulin ng may kung anong humawak sa braso ko.
Agad ko iyong nilingon.
"What do you think you're doing?" he asked. Diretsa akong nakatingin sa mga mata nito. His eyes shift from pitch black to golden yellow na may pagka red. Agad akong nabahala kaya mabilis kong hinila ang braso ko pero hindi niya ito binitawan kundi mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak noon.
"He's done answering your question. Why do you need to follow him?" galit niyang tanong sakin. Gulat at pagtataka ang nasa isip ko. Teka bakit ba siya nagagalit sakin? Eh siya nga 'tong may fiancée na pala kung makahalik sakin ganon nalang kaya mas lalo akong nasasaktan. I feel disrespected. I know hindi ako maganda pero hindi yun dapat ang basehan para rumespeto ka ng babae.
Damn. I looked away. Dapat wala akong pakialam kung ano man ang ginagawa niya oh kung hanggang ngayon ay hinahanap padin niya yung fiancée niya.
The hell I care. Pero hindi ko na talaga alam ang gagawin ko para mawala ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na talaga alam...the pain is hitting me bad.
Pinilit kong hilain ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Pero naging useless din iyon dahil mas lalo lang niya hinigpitan ang pagkakahawak doon. Wow! Just wow! May mas hihigpit pa pala doon! Great. Isa pang hila ko at mababali na ang buto ko sa braso.
Mas lalong sumakit ang dibdib ko, the way he holds me doesn't show any gentleness. Para bang dapat lang akong ganituhin dahil hindi naman ako ganon kahalaga kagaya ng babaeng hinahanap niya.
Muling nag trigger ang pain na nararamdaman ko sa aking dibdib.
"You want to break my bones, do you?" may diin ang bawat tanong ko sakanya. Doon niya lang niluwagan ng kaunti ang pagkakahawak sa braso ko pero hindi niya padin iyon pinapakawalan.
"Let go of me." saka ako umiwas ng tingin. Imbis na mawala ang sakit sa dibdib ko ay mas lalo ata iyong lumalala. Talagang hindi iyon nawawala. Whenever his near, feeling ko hindi tama na naguusap kami ng ganito lalo na at may fiancée na pala ito.
"Bakit ba ayaw mo akong tigilan? Bakit ba ayaw mo akong lubayan? You're hurting me, Ked..." I said in almost whispered. Unti unti ng lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso ko.
Hinawakan ko ang braso ko, kitang kita na kagad ang pasa na dulot ng pagkakahawak nito. Sino bang hindi magkakapasa kagad, sa higpit ng pagkakahawak niya sakin kanina parang may balak talaga siyang baliin ang braso ko.
"Ikaw lang ang babaeng gumawa sakin nito. Don't know that? You made me feel like I'm the dumbest Alpha in the whole town." nakayukong sabi nito.
Umangat ang tingin ko sakanya. His true to his words, I feel it. Dahil may nararamdaman akong kakaiba mula sa loob ko. Para bang naka konekta ang nararamdaman niya sakin. The way the pain strikes him makes me feel sad and weak. Mas triple ng nararamdamang sakit nito kesa sakin na unti unti ko nading nararamdaman ngayon.
Gosh. What's happening to us? Ano ito? Bakit nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya. Its killing me...
Tuluyan na akong napaluhod sa lupa. Fck. Ang sakit...w-why? Nahihirapan akong huminga, parang may malaking batong nakadagan sa dibdib ko.
"Fck." rinig kong mura niya bago ako binuhat, tanging hangin na lang ang naramdaman ko bago ako napapikit na ng tuluyan.
***
Dahan dahan kong idinilat ang aking mata pero agad ko ding ipinikit ng makarinig ng papalapit na yabag.
Ilang segundo ay bumukas ang pinto, pumasok ang hindi lang iisang yabag kundi dalawa.
"You're hurting her Ked, it's not good for her. You know she can't handle those kinds of feelings. Its foreign to her. And yet, you keep on doing like that. Do you want to kill you're mate?"
Ngayon ko lang narinig ang boses na iyon, and what did he say? Mate? Iyon ba yung babaeng nakatakda para sa Alpha? Diba yung fiancée niya ang kanyang mate?
"I know you're awake." Ked muttered in low voice. Bumangon ako at binalingan silang dalawa, now I can see kung sino ang kasama nito. Pero hindi ko naman kilala, ngayon ko lang siya nakita.
"Ang sabi sakin ni Theo, may fiancée kana. And that's your mate. Pero bakit iba ang narinig ko?! Paanong naging ako? Is this kind of joke? Pwes hindi nakakatuwa." I glared at them. Ako daw yung mate? Hahaha! Damn! Fck! It hurts me more.
"Do you listen, or you just conclude na siya iyon? There's a difference of conclusion and the truth. Remember that." lumakad ito papalapit sa higaan at umupo sa tabi ko. Nanigas ako sa pwesto ko, muling bumilis ang t***k ng puso ko.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na lumabas na ang kausap nito. Hindi ko siya matignan. Sobra sobra ang kabang nararamdaman ko ngayon.
He held my hand and gently squeezed it.
"I'm sorry for hurting you. I'm really sorry." he sighed.
Hindi ko na alam kung paano ko pa pahihintuin ang nararamdaman ko ngayon. Kasi sa tingin ko kahit anong gawin ko hindi na iyon pa hihinto.
Di sana nung una palang napigilan ko na pero mas lalo lang lumalala.
"Rest love. I'm here. Hindi kita pababayaan." iginiya na ako sa paghiga. Umayon lang ako sa ginawa niya, nakaunan ako sa kanyang braso habang yakap yakap ako.
I never feel this kind of safeness. Yung tipong para akong nasa cloud nine sa sobrang saya. All the pain washes away.
I hug him the way he hugs me. I closed my eyes and hope that this is not a dream. If it's a dream, I will cherish every moment of us.
***
Nakaramdam ko na may nakadagan na kamay sa aking tiyan. Dahan dahan kong iminulat ang aking mata. Doon ko napagtanto na hindi ako nanaginip kanina. Na totoo na andito siya, na katabi ko siya.
I smiled.
Dahan dahan akong tumagilid para mas makita ko ito ng maayos. Ni hindi ito gumalaw sa pagkaka higa, himbing na himbing ang kanyang pagtulog. Para siyang bata, maamong mukha. Mahabang pilik mata, matangos na ilong, mapupulang labi.
Walang mapag lagyan ang ka gwapuhan nito. Hindi iyon maipagkakaila. But the ruthless of his actions is way different from the way he looks.
"Are you okay? Do you want to eat something?" nabitin ang daliri ko sa pisngi nito, sht! Gising na pala siya! Mabilis kong binawi yung darili ko. Uminit ang pisngi ko, nakapikit parin ito. I gulped hard.
Nagmulat ito ng mata, he smiled. My heart sank. Ang gwapo talaga.
"I won't hurt you again, I'm sorry love. Hindi ko naisip na tao ka at yung sakit na nararamdaman mo ay iba kesa sakin. I didn't know this will happen." Seryosong sabi nito. Nag angat ako ng tingin sakanya, he was serious, and I know na totoo ang sinasabi nito. Right now, hindi ko pa maisip na isa akong mate ng Alpha, para bang isang malaking joke ang lahat.
Napaka bilis, may kung anong nararamdaman ako, takot. Takot na baka hindi ito totoo.
"I wish this is true..." I muttered and close my eyes. A tear fell down on my cheeks as I kiss him on his lips.
To be continued...