CHAPTER 3
“Steph I'm sorry, I'm sorry, paulit-ulit niyang bigkas, lumabas na rin ang doctor na nag* asikaso kay Steph at ang saya niya nang sabihin ng doctor na ligtas na si steph, pumasok siya sa kuwarto ng dalaga pero natutulog pa ito, hinalikan niya ang buhok ng dalaga at ang noo nito, hinawakan niya ang kamay at hinalik halikan niya dahil sa sobrang tuwa.
“Steph, I'm sorry, Hindi ko sinasadya alam kong nasasaktan kita kasalanan ko ang lahat, gusto kong sabihin sa ‘yo na minahal din kita pero paano naman si Clarissa? paano na ang kasal namin? ayaw kong mailagay siya sa kahihiyan lalo na ang kaniyang pamilya, masaya ako Steph dahil sinabi mo sa akin na minahal mo ako pero hindi ko puwedeng iwanan si Clarissa, dahil alam mo naman na ikakasal na kami. Oo ang selfish ko ayaw kong mawala ka sa buhay ko, huwag mong gawin ulit ang ginawa mo kanina please.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mawala ka ng dahil sa akin, huwag mong sayangin ang buhay mo, mula ngayon pinapalaya na kita puwede ka nang umalis sa company puwede mo nang hanapin ang totoo mong kaligayahan,alam ko makagtapo ka rin ng lalaki na magmamahal sa ‘yo. mas gugustuhin ko na lang na iwanan mo ako kasi alam ko na buhay ka kesa ganito nasa akin ka nga, pero magpapakamatay ka naman, ayaw kong mangyari ulit ‘yon dahil hindi kakayanin ng konsensya ko, malaya kana Steph, nalaya ka na,hinalikan ni Cris ang kaniyang labi at tumulo ang mga luha niya. Umuwi muna si Cis para kumuha ng mga damit ni Steph, paglabas ni Cris napahagulgol nang iyak si Stephanie gising siya ng kinakausap siya ni Cris
nagkunwari lang siyang tulog, tinanggal niya ang kaniyang dextrose at lumabas siya sa hospital hindi siya napansin ng mga nurse hindi niya alam kung Saan siya pupunta ang gusto niya lang mangyari na hindi na sila magkikita pa ni Christopher naglalakad siya na nakapaa lang sa daan, tinitingnan siya ng mga tao na nakakita sa kaniya, Umupo siya sa tabi ng kalsada at nawalan siya ng Malay.
pagbalik ni Cristopher sa hospital wala na si Stephanie, kahit ang mga doctor hindi nila alam na tumakas na pala si steph. Nagmamadaling lumabas si Christopher sa hospital at hinahanap niya si Steph gabi na pero hindi pa rin niya nakita ang dalaga umuwi siya ng bahay nagbakasaling umuwi si Stephanie pero wala pa rin, nag-alala na siya dahil alam niyang walang kaibigan si Seph dahil sa kaniya lang ito nakadikit lagi at siya lang ang nag-iisang kaibigan nito, tumulo ang mga luha ni Cris Saka niya na lang niya na-realized na mahal niya si Stephanie ang sakit ng dibdib niya nag-alala siya baka ano na ang nangyari kay Steph mahina pa ito dahil sa nangyari sa kaniya, umalis siya at nagbaka sakali na matagpuan niya ito sa daan pero wala siyang makita, na ereport na niya sa mga police ang pagkawala ni steph nakalipas ang araw, linggo, at buwan hindi pa rin nila matatagpuan si Steph .
“Cristopher hind ka na ba titigil? hindi mo na siya natagpuan ‘di ba? it means na ayaw niyang magpakita! kaya tigilan mo na puwede? bukas kasal na natin, isipin mo naman ako! at ang kasal natin!” galit na singhal ni Clarissa.
“Clarissa I'm sorry, I'm sorry, pero tigilan na natin ito please wala akong ibang gusto ngayon ang gusto ko ay ang makita ko si Stephanie! miss na miss ko na siya Clarissa ngayon ko lang na- realized na kailangan ko siya! na hindi ko pala kayang mawala siya sa buhay ko, binalewala ko siya noong nasa tabi ko pa siya, pero ngayon na wala na siya sa tabi ko hinahanap hanap ko siya.namimiss ko siya! kailangan ko siyang makita Clarissa kailangan kong sabihin sa kaniya na,mahal na mahal ko rin siya!” Sigaw ni Cris dahilan sa paglaki ng mga mata ni Clarissa nagulat ito sa mga sinasabi ni Cris.
“Cristopher! anong ibig mong sabihin?! sagutin mo ako hayop ka!”
“Clarissa mahal ko si Steph, ngayon ko lang na- realized na mahal ko siya, lumuhod si Cris sa harap ni Clarissa at nagmamakaawa siya na patawarin siya nito. At hayaan na lang siyang mag-isa. Hiningi niya ang kaniyang kalayaan, na mahalin niya si Steph.
“Clarissa I'm sorry, pero hindi na kita mahal masaktan lang kita kapag ituloy natin ang kasal.itigil na natin kailangan kong hanapin si Stephanie, tumama sa mukha ni Cristopher ang malakas na sampal ni Clarissa at inulit pa niya ito sa kabilang mukha.
“Go to hell Cristopher! magsama kayong dalawa ni Stephanie sa impyerno! at sana hindi mo siya makikita! at sana namatay na siya!” galit na singhal ni Stephanie.
“Lumayas ka na Clarissa bago pa kita papatulan! lumayas ka na at please lang kahit anong mangyari huwag ka nang bumalik dito l! naintindihan mo! layas!” galit na singhal ni Cris.
Hindi na natuloy ang kasal ni Clarissa at ni Cristopher patuloy pa rin niyang hinahanap si Steph kung saan-saan na siya nakarating nagdala na siya ng picture ni Steph at pinakita niya ito sa mga taong nakasalubong niya nagbakasakali na lang siya na may nakakakilala kay Stephanie.
5 YEARS LATER
“Mommy, mommy, I'm home. I miss po mommy i love you po.”
“I miss you too baby I love you kumusta ang school anak? hali ka pa-kiss naman si mommy
ang sarap naman ng baby ni mommy.”
“Mommy meron po akong perfect score tingnan niyo po mommy.”
“Wow very good baby nagmana ka talaga sa akin sobrang matalino.”
“Mommy ang daddy ko po matalino din ba?” tanong ni Kyle.
“Anak oo naman matalino siya kaso hindi natin siya puwedeng makita eh.” Sana maintindihan mo ako anak.
“Bakit po mommy? gusto ko po kasing makilala ang daddy ko, para hindi na ako tuksuhin ng mga kaklase ko wala daw po akong daddy.” Malungkot na saad ni Kyle. Nasaktan si Steph sa sinabi ni Kyle pero wala siyang magagawa pq kung di yakapin na lang ang kaniyang anak.
“Anak, Sabihin mo sa kanila may maganda kang mommy huwag mo na lang silang pansinin anak okay?”
“Pero mommy ano po ang name ng daddy ko?” pangungulit ni Kyle.
“Anak hindi mo na kailangang malaman sige na mag-shower ka na huh, yaya kunin mo na si kyle paliguan mo na.” Saad ni Stephanie.
mommy,please kahit name lang po.please mommy ..gusto Kong mag pray Kay papa Jesus sana makita ko na ang daddy ,pero paano ako marinig ni papa Jesus mommy Hindi ko po sinabi s kanya ang name ng daddy ko eh, kaya mommy ano po ang name ng daddy?
“Anak okay, para tumigil ka na Cristopher Guevara ang name ng daddy mo.”
“Mommy Thank you po yehey! alam ko na ang name ng daddy ko mommy maliligo na po ako, I love you po mommy.” Hinalikan ni Kyle sa pisngi ang kaniyang mommy sobrang tuwa niya nang malaman niya ang pangalan ng kaniyang daddy.
Umiyak si Stephanie naawa siya sa kaniyang anak, pero ayaw niyang ipakita si Kyle sa kaniyang daddy dahil may pamilya na ito, at ayaw niyang makasira ng pamilya, nagtatrabaho si Stephanie sa isang malaking company isa siyang supervisor at itinaguyod niyang mag-isa lang si Kyle, may tumulong sa kaniyaa para makabangon ulit si Don Ignacio, ito na rin ang nakakita sa kaniya noong nawalan siya ng Malay sa daan, tinulungan siyang makapasok ng trabaho at wala naman itong hiningi na kapalit naawa lang siya kay Stephanie lalo na at buntis ito, binigyan siya ng condo ni Don Ignacio pero hinulog-hulugan niya ito buwan-buwan, ayaw niya kasing tumira ng lebre hanggang sa na paid niya ito.
Nakabili na rin siya ng kotse at may sariling yaya si Kyle, kinabukasan namasyal sila ni Kyle sa park nalingat siya saglit dahil may tumawag sa phone niya isa sa mga client nila, nawala sa kaniyang paningin si Kyle, hinanap niya ito at kinabahan siya nang sobra maraming mga bata sa park kaya nahihirapan siyang hanapin si Kyle.
“Mommy! mommy! umiyak si Kyle at tinawag niya ang kaniyang mommy nasaan ka na po mommy? natatakot po ako.” Wika ni Kyle habang umiiyak.
“Baby nawawala ka ba? hinahanap mo ang mommy mo?” tanong ng isang lalaki.
“Opo hinahabol ko po ang balloon tapos hindi ko na po makita ang mommy ko.” Umiiyak na turan ni Kyle.
“Puwede bang malaman ang name ng mommy mo? at ikaw baby ano ang name mo? para mahanap natin siya dalhin kita
sa police at doon ka na niya kunin okay lang ba sayo baby?”
“Okay po basta puntahan ako ng mommy ko.”
“Ano ang name ng mommy mo baby?”
“Kyle Reyes po ang pangalan ko,
Stephanie Reyes po ang name nang mommy ko. Maganda po ang mommy ko saka mabait po.”
“Stephanie Reyes ang name ng mommy mo?”
“Opo, bakit po kilala mo ba ang mommy ko?”
“Ang daddy mo baby ano ang name niya?”
“Wala po akong daddy, ang sabi ni mommy nasa malayo daw po si daddy, hindi namin puwedeng makita eh.”
“Alam mo ba ang name ng daddy mo? hindi ba sinabi sayo ng mommy mo?”
“Alam ko po ang name ng daddy ko, siya po si Christopher Guevara.” Seryosong sagot niya.
“Baby ilang taon ka na?” nagdududa
“4-years old po.”
“Nag aaral ka na ba?”
“Opo matalino po ako sa school katulad po Kay mommy matalino.” tugon ni Christopher
Lumuhod si cristopher at niyakap niya si kyle ng mahigpit at tumulo ang kanyang mga luha .hinalikan niya si Kyle sa noo sa mukha at umiyak siya ng umiyak .
“Sir bakit po kayo umiyak?” Tanong ng bata.
Ako ang daddy mo baby ako si Christopher Guevara ako ang daddy mo.
“Totoo po? daddy kita? yehey may daddy na po ako.pwede po ba kitang yakapin ulit daddy?
oo naman anak ..I'm sorry anak Kong Hindi ninyo ako nakasama ni mommy ,hinahanap ko kayo pero di ko kayo makita.I'm sorry anak.I'm sorry.
Tumulo ang luha ni Stephanie habang pinapanuod niya ang dalawa , kanina pa niya pinagmamasdan ang mag ama, at narinig niya ang pinag usapan nilang dalawa.
Mommy, nakita ko na po si daddy siya daw po si Christopher Guevara ang sarap po sa pakiramdam mommy niyakap niya po ako at hinalikan eh puwede ko po ba siyang tawagin na daddy ?
anak? oo siya ang daddy mo.tingnan mo magkamukha kayong dalawa .
Stephanie, Steph, ikaw nga ikaw si Stephanie ang babaeng matagal ko nang hinahanap pero hindi ko natagpuan hinahanap kita kahit saan.pero Hindi kita makita puwede ba kitang mayakap ? miss na miss na kita kung alam mo lang ang pinagdaanan ko mula noong nawala ka sa tabi ko .araw araw kitang hinihintay baka balang araw umuwi ka sa bahay natin.pero Hindi ako napagod hinahanap kita kahit saan.walang tigil sa pagpatak ng mga luha ni Stephanie sobrang payat na ni cristopher at ang haba na ng mga balbas .
anong nangyari sayo bakit mo pinabayaan ang sarili mo ? ang pangit mo na eh.niyakap ni Stephanie si Christopher at humagulgol siya ng iyak. I'm sorry kung iniwan kita I'm sorry kung Hindi ko pinakita si kyle sayo ayaw Kong masira ang pamilya mo ng dahil sa amin ng anak ko,inisip ko kasi Kong ipakita ko sayo si Kyle baka mag aaway na naman kayo ni Clarissa .
“Steph, matagal na kaming naghiwalay ni Clarissa mula nang umalis ka naapektuhan ang relasyon namin hindi na natuloy ang kasal namin.noon pa kita minahal hindi ko lang napansin pag- alis mo saka ko na lang naramdaman na mahal kita na kailangan kita. Hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko. Halos mababaliw na ako Steph.Salamat sa diyos at natagpuan kita at may anak pa tayo ang-saya ko anak mula ngayon meron ka nang daddy, I love you anak mahal na mahal ko kayo ng mommy mo.
“I love you too Cris, I miss you so much.” Wika ni Steph habang humagulgol nang iyak.
“Huwag na kayong umalis ulit huwag niyo na akong iwanan mag-isa, hindi ko na kakayanin kapag mawawala pa kayo ulit sa buhay ko, Steph magpakasal tayo para hindi ka na umalis sa tabi ko.” Nakangiting saad ni Cris.
“Oo Cris kung ‘yan ang gusto mo, kahit saang simbahan pakakasalan kita.” Nakangiting hinalikan ni Cris sa labi si Stephanie tinakpan ni Cris ang mata ni Kyle para hindi niya makita.Niyakap ni Cris si Stephanie at kinarga niya si Kyle, I love you anak, I love you Stephanie.