Chapter 1

1387 Words
Chapter 1 Dahan-dahan kong binuksan yung main door ng bahay namin. I am so dead dahil lagpas na naman ako sa curfew. Sana hindi ulit ako makita ni Daddy cause I'm really gonna have it once na malaman niya na parati akong lumalabas kapag gabi. Well, for sure tulog na yun sa mga oras na 'to. Its like 2 am in the morning and hindi pa naman niya ako nahuhuli. Yes! Success! Nakapasok ako ng bahay ng walang ingay!Paakyat na sana ako sa hagdan ng biglang bumukas lahat ng ilaw sa bahay. Uh-oh Nakikita ko naman yung figure ni Daddy na papalapit galing sa second floor with his arms crossed. "Victoria, to my office. NOW." Sabi niya at dumeretso na siya sa office niya. Nakayuko akong sumunod sa kanya. Hay, mukhang matagal-tagal bago ako makakatulog ngayong gabi ah. "Alam mo ba kung anong oras na?" Tanong ni Daddy. Bakit niya ako tinatanong kung anong oras na? Tinignan ko naman yung wrist niya at may watch naman siya. Bakit tinatanong niya pa ako? OMG! Don't tell me hindi alam ni Daddy kung paano tumingin ng oras! "Dad, its 2:16 AM. Bakit niyo po tinatanong? Nawalan po ba ng battery yung wrist watch niyo?" "VICTORIA!" Nagulat naman ako nung bigla siyang sumigaw. "Dad! Wag kang sumigaw! Sinabi ko na nga sayo kung anong oras na, sinisigawan mo pa ako!" Sabi ko habang kinakamot yung tenga ko. "That's it! I've decided! You are studying abroad!" Ano daw? Bakit bigla bigla nalang siya nagsasabi na papaaralin niya ako abroad? Oo, medyo mali na tumakas kapag gabi, pero is studying abroad really the best option? Can't he think of a better punishment? "Dad, what do you mean? Kaka-start ko lang ng Senior High, you're spoutung nonsense." "Because you're an idiot! Laki laki mo na, wala ka paring common sense!" Sigaw niya. "Dati ko pa pinaplano to and finally may dahilan narin para pagaralin ka sa ibang bansa." Common sense? Anong walang common sense? Eh tinuturo na yun bata pa lang ako ah! I am so positive na meron ako nun! Weirdo talaga 'tong tatay ko eh. Siya nga yung konting mali ko lang, abroad agad eh. Magsasayang talaga siya ng pera para dun? "Anong wala? Meron ako nun!" Sigaw ko. "Whatever! And you're having too much freedom here! You are studying abroad." "I hate you!" Sigaw ko at lumabas na ako ng office niya at dumeretso sa kwarto ko. I don't get him! Bakit bigla bigla nalang siya nagdedesisyon ng ganun? Anong freedom? Eh siya nga tong masyadong mahigpit eh! Hindi naman ako magrerebelde kung hindi siya masyadong strikto ah! Don't do that, don't do this. Sit straight, talk properly. Bakit hindi perfect quizzes mo? Bakit ang lampa mo? You have to do this, you have to do that! Sino bang hindi maiinis kung ang taas ng expectation ng parent mo sayo? He wants me to be the perfect daughter, and I really wanted to! Pero kahit kailan, hindi siya nakuntento sa kung anong kaya kong ibigay. Nandito lahat ng kaibigan ko! Lahat ng nagmamahal sakin nandito! Ayoko silang iwan! Ano nalang mangyayari sa mga kaibigan ko kapag wala ako! Sigurado akong malulungkot sila! If I know baka di na sila sumaya kapag wala ako sa tabi nila! Fine then! Lalayas na ako dito! Kung ikukulong lang din naman pala nila ako, ay mas mabuti nang umalis ako! Pero bago ako lumayas, matutulog muna ako para may energy ako bukas na lumayas. Yes yup! Ang talino mo talaga Vicky! Kinabukasan, dumeretso ako sa office ni Daddy dala dala ang mga gamit ko. Kumatok ako sa pintuan at binuksan ito. Naabutan ko naman si Kuya at si Daddy na umiinom ng kape sa loob. Perfect timing. Nandito din si Kuya. Everyone will be well-informed of what I'm about to do. "Oh, Vicky. Ang aga mo ngayon ah." Tumingin tingin naman si Kuya sa luggage ko. "Saan ka pupunta?" Daddy glanced at me, waiting for my answer. "Kuya, Daddy. Maglalayas ako." Deretso at seryosong kong sabi sa pamilya ko. Halos mabitawan nila ang mga hawak nilang kape nang marinig iyon. Ha, nagulat sile. Syempre, may lakas loob na akong maglayas ngayon. Akala nila hindi ko kayang mag-isa? KAYA KO! Nagulat naman ako ng biglang tumawa si Kuya. Hala! Don't tell me nabaliw na siya agad dahil nalaman niyang maglalayas ang pinaka-maganda niyang kapatid. "Kuya, kumalma ka. Don't worry, bibisitahin parin kita dito kahit na nakalayas na ako." Sabi ko. Mas lalo namang lumakas yung tawa niya. Sinasabi ko na nga ba, nababaliw na si Kuya. Sorry Kuya, I just can't stay in here any longer. Alam kong sobrang malilungkot ka but I have to do this for myself. "Idiot daughter." I heard Dad say while shaking his head. He even called me an idiot. Tch, let's see who's gonne regret everything later on. I'm sure this house will never be the same without me in here. "Whatever. I don't care kung ano mang sabihin mo. Maglalayas parin ako." Taas noo kong sabi. "Maglalayas ka? Bakit ka nandito? Di ba dapat hindi namin alam na maglalayas ka?" Dad calmly said. Ha? Ganun ba yun kapag maglalayas? Dapat hindi alam ng parents mo? Well, whatever. Maglalayas pa din ako. "Kaya nga! Maglalayas ako. Pinapaalam ko lang para informed kayo! Anyway, pahinging pamasahe sa taxi! Last na 'to. Pagkatapos hindi na ako magpaparamdam." Sabi ko habang nakalagay yung kamay ko sa harap ni Daddy. Ayoko man humingi ng pera sa kanya but I need a few cents para makalayo-layo ako dito. Mas lalo namang lumakas yung tawa ni Kuya. Kuya, mahal kita, pero di ko na talaga nakayanan ang pagiging strikto ni Daddy. Don't worry, kapag mayaman na ako, ako naman ang susundo sayo dito! "Vicky, kapag maglalayas ka, dapat yung magugulat kami na wala ka na. Hindi yung sinasabi mo pa samin." Kuya explained. "Ahh! Basta! Aalis na ako sa bahay na to!" Sabi ko at hinila na yung luggage ko palabas pero biglang nagsalita si Daddy kaya napatigil ako. "Fine then! I'll allow you to leave this house. Bibigyan pa kita ng pera para sa pang araw araw mo." Bumalik agad ako sa loob nang marinig ko yun. "Seriously? Papayagan mo akong maglayas?" Tanong ko. "Idiot. I'll give you your freedom for a while. If you can survive your Senior High nang hindi bumabalik dito sa bahay, then I'll give it to you, permanently. You can do whatever you want. Bibigyan kita ng monthly allowance, but its limited. Kung ano yung kailangan mo, yun lang ang ibibigay ko sayo. Walang pocket money." Sagot ni Daddy.Walang pocket money? I can't live with that! Paano yung shopping ko? Paano yung mga damit ko? Wait wait wait, erase erase! Dad mentioned the word freedom, and anything that comes with it, I'll gladly accept! Kahit mamulubi ako. "Fine! I can live with that. I will do anything just to get out of this house." "I'll also agree to whatever degree program you want to take in college. The choice is yours. But right now, you have to transfer to a co-ed school of my choice." "Co-ed? May mga lalaki? No way." Hindi naman sa ayoko sa mga lalaki. I'm just so comfortable with girls and I like my school now, dun ako sanay eh. "Come on, Vicky. Just accept Dad's offer." Kuya Time advised. "Fine." "Okay then, I've enrolled you to your new school. Its a co-ed school. The deal starts right now." Sabi ni Dad at binigay sakin yung isang envelope na puro papeles ang laman. Lumabas na ako ng opisina ni Daddy at dumeretso palabas ng bahay. Ni hindi manlang ako tinulungan ng mga katulong na buhatin yung luggage ko. Siguro nga simula na ng deal na sinasabi ni Daddy, ang p**********p sa'kin. Kahit mga driver namin hindi na ako pinansin. Hindi ako pinagbuksan ng gate o kaya naman tinulungan makalabas ng village. Tinignan ko naman yung papeles na binigay ni Daddy habang naglalakad. Nakalagay dito yung address ng school at yung iba ko pang kailangan para makapasok dun. Tama nga si Dad, co-ed yung bago kong school. Simula elementary sa isang all girls school ako nagaaral. Tapos ngayon magaaral na ako sa isang co-ed? Hindi naman siguro ganun kahirap makipaghalubilo sa mga lalaki di ba? I mean, kaya ko naman di ba? Kaya ko nga ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD