Tinanggal niya ang kanyang suot na jacket at pinatong ito sa likuran ko. Pagkatapos ay kinuha niya ang maletang nakabukas na tinapon din ni Aunty Tes at inilagay ang mga damit kong nakakalat sa kalsada. Nang matapos siya ay nilapitan niya ako at pinatayo. “Tara na.” He gently said. “Please stop crying, it hurts me.” bulong niya na narinig ko naman. Panay ang tingin niya sa gawi ko habang nasa byahe kami at ang traydor kong luha ayaw tumigil sa pag-agos. I might look an idiot right now. Humihikbi pa rin ako ng makarating kami sa condo unit na kinuha ni Kuya Sean. Para akong nakalutang lang sa ere… He keeps on rubbing my shoulders for me to stop crying. "Take a seat first." Turo niya sa sofa pagpasok namin. "Tatawagin ko muna yung kaibigan kong doktor to check you." Wala sa sarili akon

