CHAPTER 38 “Are you sure about this, Lexi?” Kagabi pa lang habang nasa banyo pa ako ay nag send na ako ng message kay Coleen na magpapatulong ako sa kanyang kumuha ng plane ticket. I made my decision to fly to New York and live together with her. Biglaan pero kailangan… I need to process everything I discovered. It’s not easy just like counting 1,2,3… It takes time, I need to heal first. Ngunit nagkaroon ng konting aberya sa passport at visa ko, kailangan kong maghintay ng ilang araw bago maka-alis. Malaking pasasalamat ko lang dahil may kakilala si Tita Betty, ang mama ni Coleen sa DFA at doon sa agency na pag-a-apply-an ko ng visa. “Sigurado na ako, besty.” Nasagot ko habang inaayos ang mga damit. Hindi ko muna ito ilalagay sa maleta dahil ‘di ito maiiwasan na mapansin ni Sean. Napa

