Kinabahan ako bigla sa biglang seryoso ng boses ni Light, lalo na nang mapatitig ako dito. At si ate na mukhang natakot rin ay agad na tumalikod at saka pinaandar ang kotse palayo, dito ako nakahinga ng maluwag at nauna na akong pumasok sa loob. Bitbit ko na kasi ang ilang grocery bag at agad ko itong nilagay sa kusina. "Yeah, don't ever let that woman enter here understand!" Napatingin ako kay Light na kausap ang guwardiya sa gate pagbalik ko. Dumating ito agad dahil nagpa-patrol pala ang mga ito. "Pasensya ka na kanina Light, hindi ko alam na susundan ako dito ni ate." Hingi ko ng paumanhin dito kaya napatitig siya sa akin at saka ako kinabig payakap sa kanya. "It's okay babe ang mahalaga ay hindi ka nasaktan ng babaeng iyon." Sabi niya kaya napangiti ako at lalo akong yumakap ng m

