Umalis saglit si Light, at pagbalik nito ay may dala na itong paperbag at inabot sa akin. "May binigay si Kari na damit mo dinaan niya kagabi dito." Sabi niya kaya napangiti na lang ako at nagpasalamat sa kanya. "Maglilinis na muna ako ng katawan ko." Sabi ko dito dahil hindi pa ito umaalis kaya napangiti ito at saka na lumabas ng kwarto. Napailing na lang ako at saka pumasok sa banyo, medyo masakit pa ang katawan ko pero kaya ko naman nang kumilos. Mabisa naman kasi yong gamot at ointment na riseta ng doktor sa akin. At isa pa ay may nag-aalaga rin sa akin na gwapong lalaki. "Are you sure na papasok ka ngayon makikita mo doon ang daddy mo." Sabi niya habang sinusuklay ko na ang buhok ko at siya nakaupo lang sa kama at hindi ako iniiwanan ng tingin. Hinayaan ko na lang siya at pumas

