Ayiee! Kinilig naman ako. Grabe siya. Gusto niya sa kanya lang iikot ang mundo ko… na siya lang ang lalaki sa buhay ko. "Henebe nemen keshe." feeling haba ng hair ko. Pagtingin ko sa wall clock, paksyet! Tanghali na nga pala! Kailangan ko nang mag-ayos para pumasok sa trabaho. Nagmadali akong tumayo at nag-ayos ng kama. Dumiretso na agad ako sa banyo para maligo. After kong maligo ay binuksan ko na ang closet kung saan 'andoon ang mga damit na binili ni Bebelabs para sa ‘kin. "Paksyet. Bakit puro lace ang mga underwear?" halos wala nang maitatago sa sobrang sheer ng tela. Pero in fairness, mamahalin at may tatak ang lahat ng ito. Puro Victoria’s Secret kaya ayos lang. Pati mga damit puro mini skirt at plunging dresses. May sleeveless at spaghetti strap din. Kunwari pa siya na ayaw niya

