Trisha’s Point of View Siguro may balak ng magpakasal ‘tong si Tristan. Ang bilis ng construction ng bahay niya ah. Kasing bilis ng paggiba. Wala akong balak pumasok. I let Maggie take care of the editorial of Magazine. Gusto kong magpahinga at mag-travel pero wala naman akong kasama. Gusto kong mamundok. Gusto kong mawala muna pansamantala. Gusto ko magkaroon ng gaya ng kay Tristan. Nakakainggit. My phone rang and speaking of my brother… why the heck he is calling? “Yes?” I answered. “Where are you?” “Nasa bahay.” “Hindi ka pumasok, obviously. But why?” “I just want to stay home,” Sarcastic na sagot ko. Unlike Tristan who has his own house in Makati, I am still living with my dad. “Anong problema mo? At huwag mong sabihing wala. Malalaman ko rin ‘yan so speak.” Yup. We have t

