"Bi-bitawan mo ako Villarin, p-papatayin talaga kita!" Pilit na itinutulak ni Ethan ng malakas si Augustus ngunit hindi niya magawa, bukod sa sobrang lakas at hindi nagpapatalo si Augustus—siya din ay nakapa-imbabaw sa kanya. "Huwag mong isisi sa akin ang lahat ng katarantaduhan mo Ramos! It's you! Sarili mo ang sisihin mo dahil ikaw itong walang- pusong nagtulak kay Enna palayo!" Nanggigigil si Augustus habang hawak niya sa leeg si Ethan. Iyong tipong sasakalin na niya ito. "Hindi ba talaga kayo titigil?! Sige—magpatayan kayong dalawa! Guard' aalis na ako at pakitawagan na lang ho ako kung may patay nang isa sa kanila! Mga walang modo! Akala mo mga bata parin kung makipag-away!" Huminga si Anastasia ng malalim sabay punas niya sa gabutil ng pawis sa kanyang noo. Nagpatuloy parin sil

