_BEING ALONE IS BEST (GABRIEL's POV)

1266 Words
GABRIEL'S POV: Pinili kong mamuhay ng mag-isa, pagkatapos ng trahedya na nangyari sa aking buhay. Nilisan ko ang Maynila, nilisan ko ang Zambales, nilisan ko ang pamilyang pinagmulan ko at ang pamilyang pilit na umaako sa akin. Kung hanggang kailan ako mag-iisa sa buhay na napili ko—hindi ko alam. Basta ang tanging gusto ko lang, lumayo sa lahat, lumayo sa magulong mundo na nasilayan ko na simula nagkamalay ako. Narito ako ngayon sa aking butterfly sanctuary. Nakaupo sa de- gulong na upuan at nakatanaw sa malawak kong hardin na puno ng iba't-ibang klase ng mga paru-paro at iba't-ibang klase ng mga bulaklak. Ganito na umiikot ang buhay ko araw-araw. Mas pinili kong mag-isa at lumihis sa karamihan dahil dito ko nahahanap ang tunay na kaligayahan. Tunay na kaligayahan sa piling ng aking mga paru-paro, sa piling ng mahal kong si Aliyah na itinuring kong isang paru-paro. Ilang taon na ang nakakalipas—pero hanggang ngayon, sobrang sakit parin ng kanyang pagkawala, lalo na kapag naiisip kong mismong malapit sa akin ang gumahasa at pumatay sa mahal kong si Aliyah. Tapos na ang lahat. Tapos na ang delubyo sa aming buhay—pero heto at nag-iwan ito ng malaking bakas sa aking pagkatao. Baldado na ako. Wala ng lakas ang dalawang paa ko, patay na kung ituring ko. At dahil sa nangyaring ito sa akin, nawalan na ako ng ganang mamuhay. "Hindi pa huli ang lahat Apo! Nandito kami, nandito ang tunay mong pamilya na tunay na nagmamahal sa'yo." Iyan ang palaging bukam-bibig sa akin ni Donya Estrella, na isa sa mga umaako sa akin bilang Apo nila. I grew up as Gabriel Valderama, but I was born as Augustus Villarin. The only one they expected to inherit the throne of the Villarin Empire Group. I am the sole heir of the Villarins and will continue the Villarin lineage. Napapangiti ako ng mapait kapag naaalala ko kung paano ako namuhay sa malaking kasinungalingan. Lahat ng taong nakapalibot sa akin—hindi pala sila lahat totoo bagkus ay ginamit lamang nila ako para sa pansarili nilang interes. "Aliyah, sana nandito ka! Magparamdam ka naman mahal ko. Miss na miss na kita." Saad ko pa habang ako'y nakatitig sa aking mga alagang paru-paro. Tandang-tanda ko parin ang lahat, kung bakit ako nagpatayo ng farm at nagpagawa ng aking sangtwaryo. I distanced myself at pinili kong mamuhay noon ng mag-isa sa Tuguegarao noong nawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko. Kung bakit ako nahilig sa mga paru-paro, dahil iyon kay Aliyah. Just like my beloved Aliyah; butterflies are associated with elegance and charm, it describe of my Aliyah with a graceful demeanor and a creative spirit. "Ano pang silbi ng buhay na ito, kung hindi naman kita makakasama? Sana—sana kinuha mo na lang din ako' sana namatay na lang din ako." Naisatinig ko kasabay ng paglandas ng aking mga luha. Ang sakit ng sinapit ko. Bakit kailangan kong magdusa ng ganito—gayong wala naman akong inag-agrabyadong kapwa ko? "Aggggg!!! How long will this suffering of mine last? Why did you bring me back to life?" Palagi kong sinisisi ang Diyos dahil sa nangyari sa akin, patay na ang kalahati ng katawan ko, wala ng silbi ang mga paa ko. "Come back to us, bro! How long will you stay here alone? Many people love you among us; please, huwag mo naman kaming ipagtulakan lahat." Natigilan ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ako lumingon. Wala akong balak na tingnan sa mukha ang taong nagsalita mula sa aking likuran. "Madaming naghihintay sa'yo Gabriel. Sina Mamita, Daddy-Lo, ang kapatid mo, ang mga pamangkin mo." Muli ay saad niya sa akin. Napatiim bagang ako. Ayaw ko ng magkaroon ng ugnayan sa pamilyang pilit na umaangkin sa akin. Ayaw ko na sa magulong mundo nila. "Who gave you permission to enter my lair when this is a private property?" Matigas na turan ko. Kabilin-bilinan ko sa aking mga tauhan na huwag na huwag silang magpapasok ng kahit na sino sa loob ng farm ko, lalo na ang mga Villarin. "Kung trespassing man ang nagawa ko, sige' hinahamon kita—kasuhan mo ako! Pero hinding-hindi ako mapapagod na puntahan ka dito at suyuin ka para lang bumalik sa tunay mong pamilya. Come on Gabriel—accept the fact that you're a Villarin!" "God damnit Augustus! At sino ka para pangunahan ako? Stay away from me! Lumayo na ako sa inyo kaya please huwag niyo nang guluhin ang buhay ko!" Bulyaw ko pa habang nananatili akong nakatalikod kay Augustus. "Sa ayaw at sa gusto mo' isa kang Villarin! Tanggapin mo iyon dahil iyon ang katotohanan, Gabriel! Bumalik sa pamilyang pinagmulan mo at ipagpatuloy mo ang legacy ng ating pamilya! Ikaw na lang ang nag-iisa at naiiwang magpapatuloy sa lahi ng mga Villarin. Ikaw lang Gabriel, alam mo 'yan!" "Punyeta! Anong lahi ang ipagpapatuloy ko gayong ganito na ako? Are you insulting me Augustus? Nakikita mo naman hindi ba? I am a burden! Wala ng pakiramdam ang dalawang paa ko—wala na ding pakiramdam ang pagkalalake ko! Umalis kana, at ikaw ang magpatuloy sa lahi na iyan na sinasabi mo!" Matigas na turan ko. "Sa ating dalawa, ikaw dapat ang gumawa. I am not a real Villarin, alam mo iyan! Kaya't sa ayaw at sa gusto mo' ipagpapatuloy mo ang lahi ng mga Villarin. Ikaw ang gagawa nun at hindi ako!" muli ay pagpupumilit sa akin ni Augustus. "Oh, s**t! f*****g s**t Augustus! Huwag mo namang ipamukha sa akin ang sitwasyon ko. Umalis kana, dahil wala kayong mahihita sa akin! Wala!" Minando ko ang kinauupuan kong wheelchair at nilisan ko si Augustus. "Damn! This is all a f*****g s**t! Lahi? Ipagpapatuloy ko ang lahi nila gayong isa na akong inutil? Oh, bullshit!" naiinis na saad ko. "Ganyan kana ba kaduwag ngayon Gabriel? Iyan na lang ba ang alam mong gawin, ang umiwas, ang tumalikod? Maging lalake ka naman at harapin mo ang lahat ng responsibilidad mo bilang isang Villarin. Ikaw ang mas may karapatan na umupo sa trono at hindi ako!" Muli ay narinig kong galit na turan ni Augustus na noon ay sinundan pala ako. I am a cripple. I am a burden! Isn't it funny what they want to happen? "Kung kailangan kong magbayad ng babae na makakapagbigay sayo ng anak, gagawin ko! I have all the powers Gabriel. Hindi pwedeng habang-buhay kang ganyan! Sa legacy ng pamilya, kailangan mong makapagbigay ng sarili mong anak—paramihin mo ang lahi ng mga Villarin! At kung hindi mo kaya—ako ang gagawa ng paraan para sa'yo." napatawa ako ng tabingi. "Huh! Nasisiraan kana ba ng bait, Augustus? Don't tell me, na nakuha mo na ang ugali ng Ama mo na isang diktador? Na walang ibang ginawa kundi mandohan ako at diktahan ako sa lahat ng bagay? Isa ka ngang Valderama, Augustus, bangag ka na!" "Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin! Still, it won't change the fact that you're a Villarin. Gagawin ko ang lahat—magkaanak ka lamang. Hindi pwedeng mawala sa mundong ibabaw sina Mamita at Daddy-Lo ng wala silang nakikitang Apo mula sa'yo! Mark my word, Gabriel, one of these days' darating ang babaeng para sa'yo!" "Hahahah!!" pilit akong tumawa. "Dream on Augustus, or should I say, Zeus? I should only love once; I only have one heart, and it is only for Aliyah." I am Gabriel Valderama and vowed never to love again. I was only born once, I only loved once, and I will remain single until my death, until I become a butterfly like my departed Aliyah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD