July 20, 1999 Anniversary namin ngayon ni Janus. Isang taon na kaming mag-Bebe. Kahit na nasusuka na naman ako at medyo nahihilo ay excited pa din akong nagready para pumasok sa office dahil bukod sa anniversary nga namin ngayon ay magkikita na kami ng Bebe Janus ko mamaya. Ilang araw na kasi kaming hindi nagkikita dahil nasa Banawe sila ni Roy for a special audit sa isang client na hawak ng department namin. Since last Friday pa sila doon. Nagpromise si Janus na pipilitin nila ni Roy na makarating ng Baguio bago mag 5pm para makapagcelebrate kami mamaya ng anniversary namin. Nang kukunin ko na ang susi ng apartment ko na nasa bag ko ay nahagip ng tingin ko ang katabi nitong maliit na kahon na naglalaman ng surprise ko para kay Bebe Janus ko. Lalo akong naexcite sa naisip ko na hindi

