Past 9pm na ako nakauwi kagabi galing sa dinner namin nina Janus, Roy at Father Jaime. Ako ang una nilang hinatid para daw makapagpahinga na ako sabi ng aking instant boyfriend na si The Janus Vivas dahil sinisinat pa din ako ng salatin niya ang noo ko. Nang makarating kami dito sa apartment ko ay pinagbuksan pa ako ni Janus ng pinto ng kotse nya at inalalayan pa niya akong bumaba nang makapagpaalam na kami nina Roy at Father Jaime sa isa’t isa. Lihim akong kinikilig dahil sa pagiging gentleman niya. Hinatid din niya ako sa pinto ng apartment ko at hindi siya umalis hanggat hindi ko nabubuksan ang frontdoor ng apartment ko just to make sure daw na safe ako. "O, ayan nabuksan ko na ung pinto. Pwede mo na akong iwan. Safe na ako dito." Ani ko sa kanya. "Pumasok ka na. Aalis ako pag nakapa

