CHAPTER 1

1106 Words
Ako si Celine Villafuerte aka My Run Away Girl and this is my story. July 20, 2018 Present Time CJ calling…. Agad kong pinindot ang accept call button ng cellphone na hawak ko ng makitang tinatawagan na ako ng anak kong si CJ. "Hello, Anak." Agad kong sagot habang hawak ang cellphone ko na tinapat ko sa tenga ko. "My, nasaan ka na po?" Tanong ni CJ sa akin. "I'm here na, anak. Papasok na ako ng Cabalen. Tanaw ko na nga ang batok mo." Ani ko sabay tawa ng mahina dahil ayokong makatawag ng pansin ng ibang tao ang pagtawa ko. Halos fully packed na kasi ng mga customers ang Cabalen. Narinig ko din ang pagtawa ng aking unico iho sa kabilang linya. Natanaw kong tumayo si CJ sa kinauupuan niya at lumingon sa kinaroroonan ko. Nang makita niya ako ay agad niyang pinindot ang cellphone niya para iendcall ito. Kinawayan niya ako at naglakad siya agad papunta sa akin para salubungin ako. Pareho kaming nakangiti at nang magkalapit ay yumakap sa isa't isa. By the way, I am Celine Villafuerte. I’ll be turning 42 years old a month from now. Dalagang ina. Solo parent ng aking gwapong anak na si CJ Villafuerte na nag 18 years old noong March. I had CJ when I was 24 years old. Bunga siya ng lovestory namin ng ama niya na hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala ni CJ na ni katiting na impormasyon ay wala ding nalalaman si CJ. Wala din naman akong balak na ipakilala si CJ sa ama niya kahit na ang ama ni CJ ang nag-iisang lalake na minahal ko and sad to say, until now minamahal ko pa din pero ayaw ko ng makita pa. I have my reasons kung bakit hindi nakilala ni CJ ang ama niya at hindi din alam ng father ni CJ na nagkaanak kami. Isa akong freelance accountant. May hawak akong bookkeeping at auditing clients sa Bulacan kung saan talaga kami nakatira. Si CJ naman ay 3rd year college na sa kursong BS Accountancy sa Saint Louis University dito sa Baguio. Yup. Magkalayo kami ng anak ko. Sa Baguio sila nagstay at ako naman ay sa Bulacan pero halos araw araw din naman kaming nagvivideocall bukod pa sa twice or thrice a month ko din naman silang pinupuntahan dito sa Baguio. Nakakauwi lang si CJ ng Bulacan pag sembreak nila. Simula ng magcollege si CJ ay ganoon na ang naging set up naming mag-ina. Choice ni CJ and it's his decision na dito sa Baguio mag-aral. Kasama niya dito ang pinsan kong si Ric na naging father figure na ni CJ since birth. Siya ang kasama ko sa bahay namin sa Bulacan simula ng pumunta sa Canada si Nanay when I was 16 years old. Unang nagpunta sa Canada si Tatay para magtrabaho bilang caregiver doon noong 10 years old ako. Then nung nakakuha na ng residency doon si Tatay ay inayos naman niya na mapetisyon niya kami para magkaroon din kami nina Nanay at Ric ng residency sa Canada. Naapprove ang residency namin ni Nanay at ni Ric noong 16 years old ako. Si Nanay lang ang nagstay sa Canada kasama ni Tatay nang pumunta kami doon. Kami ni Ric ay bumalik dito sa Pilipinas dahil magcollege na ako that time saka mas gusto ko pa din na dito sa Pilipinas manirahan at magestablish ng career ko dito. Though ilang beses din kaming pumunta doon ni Ric pag summer vacation. Ang huling punta namin ni Ric sa Canada ay noong nalaman kong buntis ako kay CJ without any plans of going back sa Pilipinas. Sa Canada ko hinilom ang puso kong nasaktan at ipinanganak ko din doon si CJ kaya dual citizenship holder din si CJ. Then ng mag 4 years old si CJ, naconvince ko sina Nanay at Tatay na umuwi na kami dito sa Pilipinas dahil mas gusto ko na dito sa Pilipinas palakihin at pag-aralin si CJ. Iba kasi ang nakikita kong nagiging ugali ng mga batang Pinoy na lumaki sa ibang bansa. Kaya kahit na dati ay wala na akong balak pang bumalik sa Pilipinas ay nagdesisyon akong kumbinsihin sina Tatay at Nanay na umuwi na ng Pilipinas for good. Saka gusto din ng mga magulang ko na dito magretire sa Pilipinas. Dahil nga binenta namin ung dating bahay at lupa namin nung pumunta kami ni Ric sa Canada ay bumili ako ng house and lot sa isang subdivision sa Malolos din mula naman sa savings ko nung nagwowork ako sa Canada para tirahan namin sa pagbabalik namin sa Bulacan. Naunang namatay si Tatay noong 10 years old si CJ. 3 years after naman ay namatay si Nanay. I was devastated pero I have to be strong para kay CJ na pinaghugutan ko ng lakas ng loob at si Ric na hindi kami iniwan ni CJ. Si Ric ay ulilang lubos na kaya kinupkop na siya nina Nanay noong 10 years old pa lang siya. Mas matanda sa akin si Ric ng 5 taon. Si Ric ang naging kaagapay ko since day 1 nang ipanganak ko si CJ. Member ng l***q+ community si Ric kaya hindi na din siya nag asawa gaya ko. Bakla man si Ric pero hindi siya nagmake up or nagdadamit pambabae. He is a gay man ika nga. Kung titignan mo si Ric at hindi mo siya kilala ay mapapagkamalan mo siya na straight guy pero once na nagsalita siya, ayun na, manghihinayang ang babaeng nagsasabi na gwapo siya. As with me, may mga nanligaw din naman sa akin kahit na isa akong dalagang ina pero agad ko silang tinuturn down dahil sapat na sa akin si CJ and yun nga, I still love CJ's dad. Though modesty aside, beauty and brains din naman ako kaya nga nainlove sa akin ang ama ni CJ. Anyway, going back to CJ, ayaw ko man na dito sa Baguio manirahan at mag-aral si CJ pero sinuportahan ko ang decision niya. Wala na talaga akong balak na bumalik pa dito sa Baguio na minsan ko na ding naging tahanan bago ko ipinanganak si CJ dahil sa mga alaala pati na ang mga tao na minsang naging parte ng buhay ko na tinakbuhan ko at pilit binubura sa buhay ko. Pero wala akong nagawa kundi pagbigyan ang gusto ng anak ko nang idiscuss ni CJ sa amin ni Ric ang mga plano niya for college a month after magstart ang klase niya nung nasa 4th year high school siya. "My, I want to study po BS Accountancy just like you pero sa Saint Louis University po." Ani ni CJ sa akin na ikinagulat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD