“Doc., ano po ba ang resulta?” tanong sa doctor ng isang pamilyar na boses.
Pinilit kong ibukas ang aking mata ngunit parang may sarili itong isip at ayaw nitong bumukas.
“Sir, ang resulta ay maaring vertigo, or fatigue, we need to conduct test pag nagising na siya.” wika ng doctor sa kanyang kausap
“You better.” Mapait ang pagkabigkas ng lalaki, at papalapit ang mga yabag nito sakin.
Hinaplos niya ang buhok ko, at hinalikan ako sa noo, na labis kong ikinagulat. Ngunit parang naramdaman ko na ang ganitong klaseng halik..
“You will be alright my dear, I make sure of it.” Hinalikan niya akong muli sa noo bago siya tuluyan umalis.
Nakaramdam ako ng pagka-antok ng narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Nagulat ako ng naramdaman ang isang mahigpit na yakap kasabay ang pabulog sa mga katagang “I miss you so much…”
Iba ang boses ng lalaking ito sa boses ng kaninang naririto kanina lamang. Nakadama ako ng takot dahil sa kanyang paghalik sa noo ko matapos hawiin ang aking buhok sa noo. Mabango ang lalaking ‘to pero parang naamoy ko na ang ganitong pabango noon ‘di ko lang maalala kailan.
“Well be together soon, all your pains should go away.” mahinang wika nito.
Ano ang ibig niyang sabihin sa mga katagang yan? Sino ba siya?
Nagtaasan ang aking mga balahibo sa kanyang sinabi.
Nagising ako at kusa ng dumilat ang aking mata, ginalaw ko ang aking kamay ngunit mabigat na nakapatong rito dahilan ng aking pagtingin sa aking kamay.Nanlaki ang aking mata sa gulat ng makitang may nakahawak dito ng mahigpit, at nakita ko ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Si Cedric mahimbing na natutulog, mukha siya anghel na yummy habang tulog.Natawa ako nang mahina dahil sa aking mga naiisip.
Dahan-dahan namulat ang kanyang mga mata, at kasabay ng pagbukas ng mga ‘yon ang biglang pagyakap niya sakin ng mahigpit. MariaJoseph! Nagwawala ang mga bulate ko sa tiyan dahil sa kanyang ginawa, kasabay ang bilis ng t***k nang puso ko na para bang lalabas na ito sa aking katawan.
“I- I can’t breathe...”
Lumywag ang kanyang yakap at paunti-unting kinalas ang kanyang mga kamay na naka-akap sakin.Lumaki ang aking mata at ‘di ko maiwasan mapatitig sa kanyang mata ng biglaan niya akong hawakan sa magkabilang balikat.
“I’m sorry, are you okay?” tanong niya sakin habang di pa rin tinatanggal ang mga kamay sa balikat ko.
“May masakit ba sayo? What happened?” halata sa tono ng kanyang boses ang pag-aalala na ikinatuwa ko.
Ang dami niyang tanong sinuklian ko siya ng isang matipid na ngiti bago , ibuka ang aking bibig upang magsalita.
“Hindi ko alam, baka fatigue lang, nahilo ako habang tumatawid tapos nagising ako na nandito na ako..”
Kinuha at hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit dahilan upang uminit ng husto ang pakiramdam ko, parang cartoons na lalabas ang usok sa aking tenga, habang namumula ang pisngi .
Feeling ko mahihimatay akong muli.. Okay lang kung si Cedric ang sasalo.
Binitiwan agad niya ang kamay ko nang bilang bumukas ang pinto at niluwal nito ang lalaking naka-puti at may salamin. Siya siguro ang doctor kahapon na kausap ng taong di ko kilala.
Ngumiti siya samin at umubo ng konti bago ilabas ang kulay silver na board sabay tanong sakin...
“It’s good to see you awake! Kamusta ka iha?” pinatong na niya ang kamay sa board at nagsimula magsulat
“Never been better, I guess??”
Tumawa siya sa sagot kong hindi sigurado.
“I need to take some test before you can go, tara...”
Sumunod ako sa likod ng doctor, at nagpaalam na muna ako sa kasama ko.
Kinakabahan ako sa mga test na sinasabi niya. Takot pa naman ako sa karayum, wag naman po nila sana akong kunan ng dugo, mahihimatay talaga ako.
Sa wakas natapos na din ang mga test na ginawa sa akin, nakahinga na ako ng maluwag, hindi ko maialis ang malaking karuyom na tinusok sa akin ng nars.
Ipipihit ko na sana ang hawakan sa pinto ng may narinig akong naguusap. Napatigil ako’t nilapit ang tenga ko sa pinto, tama ba ang kwarto na ito? Tumingala ako tama naman RM 666. Nakalapat parin ang tenga ko sa pinto habang pinapakinggan ang babae at lalaking nagtatalo.
“Ate!” Malakas na sigaw ng lalaki.
“Cedr-” Bago pa makasalita ang babae ay pinutol na siya kaagad ng kanyang kausap.
“I know what to do... just give me more time... months lang...” Pahina ng pahina ang kanyang boses.
“You should Cedric, as the heir of LEE Group of Companies, you will take over sooner or later.” Madiin na pagkakasabi sa kanya ng kanyang kapatid.
“I know and I will, but let me fulfill the promise I did to her and her mother.” Mahinang sabi nito.
“Sure, go ahead but be ready for you bear a whole company on your shoulders.”
Matapos bitiwan ng kanyang kapatid ang mga salitang ‘yon, narinig ko ang mabibigat na yabag nito papalapit kung nasaan ako. Agad akong tumakbo papunta sa nurse station dahil sa bilis ng takbo ng puso ko.
“Miss? Ano pong kailangan nila?” Tanong ng nars
“Makikitawag lang po.” mahina kong wika
Kinuha ng nars ang telepono at inabot sakin, nagkunwari akong nagdi-dial, na habang nakamasid ang ako sa gilid hinihintay na lumabas si Mam Elena. Nang makalampas siya ay nakahinga ako ng maluwag.
Magkapatid sila Ms. Elena at Cedric, nakokonsensya ako at pinagkamalan kong may gusto si Cedric sa kanya, ‘yon pala’y magkapatid sila.
Bumalik ako sa kwarto inaasahan nandun pa siya. Hindi ko siya nakita sa silid kaya naman nakaramdam ako ng kalungkutan. Wag ka kasing mag expect Sam!
Dumating ang doctor at sinabing pwede na akong lumabas. Nung marinig ko iyon kulang na lang ay yakapin ko siya sa saya.
Habang papunta sa cashier.. nararamdaman ko ang kaba dahil baka malaki ang bill ko rito hindi ko alam saan kukuha ng pambayad. Ang bilis ng t***k ng puso ko habang iniisip ko ito.
“Room 666, po bill out?”
“Oh you may go na.”
Natameme ako sa mga katagang lumabas sa taong kaharap ko ngayon. Tama ba narinig ko wala akong babayaran? Lumunok ako ng laway bago magtanong muli.
“Wala po ba akong bill?”
“Its all been paid up na, go na..”
Iritableng sabi ng cashier sa akin.
Gusto kong magtatalon sa saya, pero sino ang nagbayad ng bill ko? Alam ko wala pa akong health card kasi bago pa lang ako sa trabaho.
“Sino po nagbayad?”
“Hindi ko pwedeng sabihin, sabi niya keep it a secret sorry dear… go na...”
Hala, sino nagbayad ng bill ko si Cedric ba o sino? Gusto kong malaman para mabayaran ko sila nang paunti-unti. Pinilit ko ang cashier sabihin kung sino at magkano ang bill, pero ayaw niyang magsalita.
Wala akong magagawa kaya umuwi na lang ako.
Pagkalapag ko ng bag, naalala ko ang pinausapan ni Cedric at Ms. Elena sa hospital, kinuha ko ang coin purse ko at pumunta sa pinaka malapit na piso net, dahil hindi matahimik ang utak ko.
Huminga ako ng malalim bago ako nagsimula mag search.
“No turning back, whatever I see. Hindi dapat magbago ang turing ko kay Cedric. Act normal Sam!” bulong ko sa aking sarili.
Nagsimula na ako mag-search sa google at ikinagulat ko ang mga nakita ko.
Cedric Lee the coffee prodigy
Cedric Lee heir of LEE’s Group of Companies
Cedric Lee’s missing fiance found?
Cedric Lee’s marriage is a hoax, Cedric lee is a closet gay.
Maari ngang totoo na heir siya ng malaking kompanya pero dapat hindi magbago turing ko sa kanya. I need to pretend I didn’t hear anything, hindi ko pa naman siya gaano kakilala at I want us to stay as we are.