ELENA POV
"Alright Elena! Ganyan ang gusto ko sayo, natututo ka nang maging matapang. Pero kamusta ang halikan nyo noong guy ha?" Natatawang sabi pa ni Wendy.
"Che! Baliw ka talaga, Wendy! Let us stop doing that s**t okay? Nagmumukha pa akong malandi sa ginagawa mo. But in fairness, mukhang mabaho lang yung guy pero bango nya. Still, it's not right to steal a kiss from someone na di mo kilala."
Lumalim ang kwentuhan namin at nagtatawanan na kami habang nilulunod namin ang sarili namin sa kalasingan.
I've never been happier na kasama ko ang mga kaibigan ko sa oras ng saya.
For a while, naging masaya ako at nalimutan nang broken ako. Sumapit ang 12 am ng umaga.
Tamang sayaw na kami sa stage. Tanging ilaw lamang ng disco ball ang nagpapaliwanag dito.
Sa aming tatlong magkakaibigan, si Wendy ang pinaka magaling sumayaw. May lalaki ngang lumapit kaagad sa kanya at sinunggaban nya ito kaagad.
"Bye girls!" Pagpapaalam pa nito.
May hitsura kasi ang guy na humatak kay Wendy kaya sumama ito kaagad.
"Hay Nako! Ang dali talagang bumigay ng kaibigan natin sa tukso! Basta kapag pogi ang guy, agad syang bumibigat!" Sabi ni Sanya habang nasaway kaming dalawa.
"Let her do what she wants sis. She is old na, single and ready na para lumandi!"
"Basta wag tayong tutulad sa kanya, sis ha? Pass muna tayo sa mga guys, ako I don't need them yet kasi. Masarap sa pakiramdam na maging single muna, love yourself first at don't look for love kasi kusa itong darating. Para mag heal na rin ang puso nating sugatan. Come to think of it ha? Ang panget kung lalandi tayo ng broken, isipin mo na magiging kawawa ang guy kung sakali."
Buti at parehas kami ng mindset nitong si Sanya. I also don't see myself having flings here. Sapat na sigurong kasama ko ang mga friends ko and we are having fun.
"Tama! For sure mamaya ay babalik din dito yang kaibigan natin. For the meantime ay sumayaw muna tayong dalawa. We don't need guys kahit na gaano pa sila ka pogi."
"Tama!" She agreed.
May isang lalaki ang kumalabit sa likuran ni Sanya. Sa unang tingin ko, bad boy ang hitsura nito. Matangkad na lalaki at may hitsura, he is the type of guy na sa isang tingin lang nito ay makukuha na nya ang mga babae.
Lumingon si Sanya at nag usap sila. Ang tamis ngumiti noong guy at itong kaibigan ko ay sumama sa kanya ng walang paalam.
Nakaka imbyerna itong si Sanya! Parehas sila ni Wendy, walang isang salita at naglaho yata ako sa paningin nila sa mga lalaking humatak sa kanila.
I feel so left out at pangit. Nauna pang hatakin ang mga kaibigan ko kesa sakin eh parang pantaya lamang ang mga beauty namin.
Tumigil na nga ako sa pagsasayaw ko at bumalik sa pwesto namin. But I was so shocked ng makita ko ang lalaking gusgusin kanina na nakaupo sa area namin at sa mismong upuan ko pa!
Lumapit ako at umupo sa upuan ni Wendy. He smiled at me at mukha pa rin itong isang gusgusin na lalaki.
"Hi miss!" Sabi nya pa, inaakit nya ako sa mga tingin nya.
"Are you aware na table ito ng ibang tao?" I asked politely.
May kasalanan kasi ako sa kanya kanina and I feel it is not right para mag sungit ako.
Lumiyad ito at ipinatong ang mga kamay sa lamesa. Mas lumitaw tuloy ang mga biceps nya. There is just something in this guy that I cant honestly describe.
"Bakit mo ako hinalikan kanina? Have we met somewhere?"
Napataas ang kanang kilay ko, 'have we met somewhere' sounds so good. English ang accent nito. He is not trying hard to speak.
I awkwardly smile. I guess this must be the reason why he came here. I don't want him to feel violated though kasi kapag sya ang gumawa nito sakin, malamang ay nasampal ko na ito sa mukha!
"Sorry, I would like to apologize for that. Nagkaroon kasi kami ng mga friends ko ng laro kanina. Truth or dare, and I chose the later. Ayoko ng pinagawa nila so they picked you na hahalikan ko raw sa pisngi. I did not mean to do that. If you want, babayaran na lang kita for kissing you earlier as my way to apologize."
Mas lumawak pa ang ngiti nito sa kanyang labi. Binuhat nya ang baso ko na nilagyan nya ng beer at pinaikot ito sa kanang kamay nya.
"Sorry pero marami na akong pera. I need something else from you."
Ang hambog ng pananalita ng lalaking ito. Ayoko pa naman sa lalaking mahangin magsalita. I don't like him either but it got me curious kung ano ang favor nya.
"Then tell me what do you want?"
Bago nito sagutin ang tanong ko ay ininom nya ang beer sa baso ko. And he drank that na para ba itong tubig.
"Sumayaw tayo sa stage. Kanina pa kita tinititigan at nakikita kong magaling kang sumayaw. I really like wild girls, so come and dance with me kapalit ng ginawa mong pagkiss."
He said those worlds ng may mayabang na ngiting naglalaro sa kanyang labi.
Dance with him? Napangisi ako, ang taas naman ng confidence ng lalaking ito to think na papayag ako sa gusto nitong mangyari!
"Pass ako!" Mabilis kong pagtanggi rito, "I don't want to do that because we are stranger. If you don't accept my money kasi sinasabi mong mayaman ka, then let us forget about that. After all, maraming lalaki ang nagpapantasya sakin so ang swerte mo na nahalikan kita!"
Akala ng lalaking ito na sya lamang ang may karapatan na mag yabang pero sorry sya dahil kaya kong makipag sabayan sa kanya!
Namula ang mukha ng lalaking ito na tila ay nainis sya.
"If you don't dance with me, kakasuha kita ng s****l harassment. May mga cctv camera sa bar na ito at makaka asa kang di ko ito palalampasin. Ito na ang huling beses na sasabihin ko ito sayo, dance with me o hihimas ka ng malamig na rehas!?"