ELENA POV "Anyare sayo teh ha? Bakit ka naka ganyan? Don't tell me na galing ka sa Japan? Kami nga ni Sanya, init na init kami sa panahon, tapos ikaw balot ang katawan mo?" "Ano ka ba Wendy! Baka galing yan sa antartica, mas malamig doon, kasama n'ya ang mga favorite animals n'ya!" Natatawa ako sa mga panunukso ng mga kaibigan ko. Napasaya nila ako ng kaunti pero nandoon pa rin ang lungkot ko. Tumingin ako ulit dito sa motor na naka park sa labas. "Teka nga? Kanino pa itong motor? Ang ganda, sino sa inyo ang may ari nito?" "Ako! Binili ko yan one month ago kasi sawa na ako sa traffic," sagot ni Wendy. "Si Sanya nga ang una kong naging pasahero n'yan eh!" Tama ang hinala ko na si Wendy ang may ari ng motor na ito. Maganda naman pero napapa sana all ako, mabuti pa s'ya, ang bilis maka

