ELENA POV Nanatili pa rin ang lalaking ito pero dinedma ko na ito. Ngunit may ginawa s'yang napatitig ako sa kanya. Binuksan n'ya ang bote ng alak gamit ang ngipin niya at nilapag ito sa harapan ko. I don't know but he reminds me of Kent na madalas din itong ginagawa noon ng nag iinuman sila ng mga tropa n'ya. Pero ang ex ko, madalas naman talaga iyon magpa impress sa mga kaibigan n'ya. Gusto pa nga nito palagi na pinupuri s'ya ng ibang mga tao. "Sige na, wag ka nang mahiya, kapag ininom mo 'yan ay aalis na ako." Sa harapan ko pa n'ya mismo binuksan ang alak na ito. Para bang gusto n'yang ipakita na wala itong halong kung ano man. Napatingin ako sa malamig na beer na ito. Pag dinikit ko ang nguso ko sa bibig ng bote ay para ko na rin hinalikan ang lalaking ito sa harapan ko. Napalu

