Kahit mukhang kinakabahan ay pumunta na nga sa gitna ng bilog si Licse upang ipakita ang kanyang kakayahan.
Mula sa luob na kinatatyuan ni Licse ay may biglang lumabas na dalawang malalaking tao na may dala dalang matalim na espada.
Humanda na siya sa pagsasalakay ng mga ito at ilang sandali pa nga ay mabilis na silang tumakbo patungo sa kanya. Hahampasin na sana siya ng isa sa kanyang likuran kaya agad siyang yumuko at sinipa ang isa na papalapit sa kanyang unahan, tumalsik naman ito sa malayo. Pagkatapos ay umiikot siya sa mga ito, tumalon ng mataas at habang nasa ere ay may pinakawalan siya sa kanyang mga kamay at itinama sa lalaking sinipa niya kanina, ilang segundo lang ang nakalilipas ay tila hindi na ito makagalaw sa kinatatyuan nito, agad namang napatigil ang kasamahan nito at napatulala saglit.
Ng makita ni Licse na hindi na ito maka - aalis ay ang isa namang kasamahan nito ang sinalakay niya, tumalon siya pababa pagkatapos ay tinakbo niya ito bago pa ito makahuma at ginamitan ng kakayahan.
Pagkatapos niyang iyon ay tumingin siya sa mga nakakatandang guro nila upang ipahiwatig na tapos na siya. Mabilis namang nawala ang pulang bilog at isang malakas na palakpak ang kanyang naririnig.
8 out of 10, mahusay Licse. Maari ka ng makapasok sa Akademya. Masayang pahayag ni Tandang Ilaw.
Masaya naman si Licse sa kinalalabasan ng kanyang pagsusulit. Nakangiti siyang bumalik sa mga kasamahan at umupo sa upuan nila.
Ang susunod ay si Milo.Pahayag ni Tandang Orak sa kanila. Agad namang tumayo si Milo sa kanyang kina uupuan at pumunta sa gitna ng Gym. Gaya kanina Lumabas ang Kulay pulang bilog tanda na kailangan niya ng mag - umpisa. Tumingin naman si Milo kay Tandang Ilaw upang iparating na siya ay naka handa na.
Huminga ng malalim si Milo at inihanda ang sarili, may dalawang malalaking hayop ang lumabas at hindi lang ito basta bastang hayop sapagkat kung ikaw nadakma nito at sinugatan ay tiyak na malalason ka nito at ilang sandali lang ay maari kang mawalan ng o ang mas matindi pa ay maari mo itong ikamatay. Alam iyon ni Milo kaya biglang nanlaki ang kanyang mga mata at gulat na tiningnan ang mga matatanda sa itaas. Ngunit tumango lamang sila kay Milo kaya wala siyang nagawa kundi ihanda ang sarili.
Lason laban sa lason!! Anong gagawin ko kinakabahang wika nito sa sarili. Kinakabahan siya sapagkat ngayon lang siya may makakalaban ng kapwa niyang may kakayahang taglay na lason rin gaya niya kakaiba ito sa kanyang nasasanayan.
Bahagya pa siyang umatras ng unti - unti na silang lumalapit habang lumalabas ang nakakatakot na mga ngipin nitong malalaki at napakatalim, sabayan pa ng buntot nito na natitiyak niyang may lason ring taglay.
Sa ka aatras niya ay muntik na siyang makalampas sa pulang guhit kaya wala siyang nagawa at lumaban na lamang.
Tumakbo siya papalapit sa mga ito, ng akma siyang kakagatin ng mga ito ay agad niya itong sinipa ata agad na gumawa ng dalawang sandata mula sa kanyang kakayahan at ito napapalibutan ng kumikinang na kulay berde at ito ay lason.
Sandata laban sa dalawang malalaking hayop! ng akma siyang hahampasin ng buntot ay agad niya itong sinangga ng kanyang espada at ang kanan naman iyang espada ay inihampas niya pabalik rito. Tumalsik ang isa at malakas itong gumawa ng ingay na tila galit na galit sa kanya. Mabilis namang sumugod ang isa kaya mabilis rin siyang umiwas rito. Kasing bilis ng hangin ang kanilang mga galaw kaya ang mga kasamahan ni Milo sa labas ay labis ang pagkamangha sa kanya.
Hapong hapo na si Milo sa kasa sangga sa mga ito kaya nilabas niya na ang lahat ng mayruon siya at pinakawalan sa kanyang kamay ang berdeng lumabas sa mga kamay nito ang mga espada na ginawa niya ay pinagsama at itinutok niya ito sa dalawa, Maririnig ang malakas na tunog kasabay nito ang buong lakas na sigaw ni Milo, pagkatapos ay napapalibutan ito ng kulay berdeng usok. Ilang sandali pa ay isang nakaluhod na Milo ang kanilang nakita, may mga sugat at pasa ito sa katawan ngunit mababakas ang kaligayahan sa mukha nito.
Isang malakas na palakpak at hiyaawan ang maririnig duon.
Magaling Milo, napa hanga mo kami ng sobra sa iyong ipinapakita. 9 out of 10, maari ka ng makapasok sa Akademya. Galak na may halung pagmamalaking sabi ni Tandang Ilaw.
Mababakas naman kay Milo ang pagmamalaki sa sarili at kahit na paika ika siyang lumakad pabalik ay natutuwa naman siya dahil mataas ang kanyang nakuha.
Ang sumunod naman ay si Rokit. Kompyansa si Rokit na makakaya niyang labanan ang dalawang malalaking tao sa kanyang harapan. Malalaki man ito at hindi bastang tao lang ay alam niyangmakakaya niya ito. Huminga siya ng malalim at tumingin sa itaas at bahagyang tumango senyas na handa na siya.
Ilang sandali lang ay sumugod na ito sa kanya at hindi niya na agapan agad kaya tinamaan siya sa bandang tyan niya. Para naman siyang mawalan ng hininga.
Putcha! Ang lakas naman ng kanyang suntok, ang sakit ah. Tiningnan niya ng matalim ang taong sumuntok sa kanya at patakbo itong sinugod. Nang hindi ito maka agap ay agad niya itong sinuntok ng sinuntok ng malakas at ng akma ri siyang susuntukin ng kasama ay sinipa niya ito sa gitna at binigyan ng lumilipag na sipa na sanhi ng pagtalsik nito sa malayo. Pagkalapag niya ulit sa ibaba ay buong lakas niyang sinuntok at pinagsisipa ang lalaking unang sumuntok sa kanya. Nang hinang hina na ito ay bumaling naman siya sa isa na babangon palang mula sa kina salampakan nito. Tinakbo niya ito ng mabilis at hinawakan ang leeg nito habang ang dalawang kamay nito ay inipit niya sa likod upang hindi na makapalag pa.
Naka kuha naman siya ng 8 out of 10 sa pagsusulit kaya masaya na siya kahit papaano. Ngunit nanghihinayang siya dahil gusto niya sanang 10 out of 10 ang makukuha niya ngunit wala na siyang magagawa. Kung hindi lang sana siya naunahan ng suntok ng isang iyon at hindi lang siya nanghina ay paniguradong siya ang pinaka mataas sa kanila.
Pambihira naman oh! angil niya sa sarili, pero sa Akademya babawi ako. Tumatangong sabi niya sa sarili.
Ang kambal naman na si Kira at Lira ang sumunod na sumbak sa pagsusulit. Duon ay nagulat sila dahil dalawang mga malilit na nilalang ang kanilang kalaban. Ngunit ang kakaiba nito ay isa lang ay may kakayahang apoy na taglay, ang isa ay tubig. Bakas ang pagtataka sa kanilang mga mukha dahil ang kanilang makakalaban ay nagmula sa matataas na pwesto mula sa Akademya.
Alam kung ganito na ang inyong reaksyon ngunit sila lang ang maaring makalaban niyo dahi nuong nakaraan ay halos ma perfect niyo na ang rating ninyo. Ngunit dito kayo Lira at Kira ay magkalaban. Habang nilalabanan niyo ang isat- isa ay kakalabanin niyo rin ang dalawang ito. Pagkatapos sabihin yon ay nagkatinginan ang magkambal at nag alinlangan.
Nagulat rin ang mga manunuod dahil ito ang kauna - unahang pagkakataon na maglalaban ang magkambal.
Ngunit... gu.. guro..!!
Nais pa sanang mag katwiran ng kambal ngunit hindi na iyon natuloy ng magsalita ulit ang guro.
Kailangan niyong mamiling dalawa, Lalaban ba kayo o wala kayong grado sa pagsusulit. Striktong wika ng guro sa kanila kaya napipilitan silang lumaban.
Sa luob ng bilog na iyon ay mararamdaman ang tensyon at pag - alinlangan ng magkambal ngunit kailangan nilang maglaban kung gusto nilang magkaruon ng grado. Unang sinugod ni Lira ang nilalang na may tubig at ang apoy naman ang kay Kira. Inilabas ni Lira ang apoy mula sa kanyang mga kamay at pinatamaan ang kalaban ngunit sinangga lamang iyon ng tubig pagkatapos ay nararamdaman ni Kira na ginagapos siya ng isang tali ngunit gawa ito sa tubig. Iwinawaksi naman niya ito ngunit ayaw matanggal sa kanyang katawan kaya napilitan siyang gumamit ng malakas na apoy upang mabaklas ang taling tubig na naka gapos sa kanya.
Sa kabilang banda naman ay naiinis na si Kira sa isang kalaban niya dahil sa tuwing tatamaan niya ito ng apoy ay isinasangga niya ito at pagkatapos ay natamaan pa siya sa braso ng patalim nito na gawa sa apoy. Kaya ginawa niya lahat ng makakaya upang magapos ito sa pamamagitan ng taling gawa sa apoy pagkatapos ay pinagsisipa at sinusuntok niya ito.
Suntok dito, suntok duon ang ginagawa ng magkakambal sa kani kanilang kalaban ngunit agad din silang natigilan ng may malanghap silang kakaibang hangin. Dito nga ay hindi na nila mapigil ang kani kanilang mga katawan na kalabanin ang isat - isa.
Anong.... sabay silang umangat sa mga nakaktanda at batid nilang may kung anong nilagay sa hangin upang maging sanhi na kalabanin nila ang isat- isa, mabuti na lamang at napatumba na nila ang kanilang mga kalaban.
Habang naglalaban ang mag kambal ay makikita ang galing nila batay sa galaw, kilos at bilis nila sa paglalaban. Unang gumawa ng espada mula sa apoy si Lira at isang latigong gawa sa apoy naman ang kay Kira.
Bawat hampas nila ay naglalabas iyon ng spark at lumilikha ng tunog. Parang walang gustong magpatalo sa kanila lahat ay desidadong manalo. Natamaan si Lira sa kanang paa kaya pa ika ikang siyang umiiwas ng makitang umatake naman ang kakambal, nang akma siya nitong hahampasin ng latigo ay pinakawalan niya ang mga apoy sa kamay at itinama ito sa kakambal kaya napa atras ito ng ilang metro.
Nang makahuma ay muling sumugod si Lira sa kakambal na nakasalamapk pa sa sahig ngunit mabilis itong tumayo pagkatapos ay hinawakan ang nasugatan niyang paa at sinuntok ang kanyang sikmura. Napaubo siya habang masamang tinitingnan ang kakambal, gumawa siya ng sibat at ganuon din ang kanyang kakambal.
Kapwa na sila pagod ngunit wala pa ring nagpapatalo, ngunit ng akma sanang hawakan ni Lira si Kira ay una na siya nitong nasakal sa leeg gamit ang latigong apoy, Umuubo at tila nawawalan na siya ng hininga dahil unti - unti itong sumisikip sa kanyang leeg.
Nang hindi niya na makayanan ay unti - unti siyang napa pa upo habang hawak hawak ang leeg. Hindi naman matiis ni Kira ang kakambal kaya pinakawalan na niya ito na naging Resulta ng kaniyang pagka panalo.
Mahusay, mahusay Kira, Lira. Pinahanga niyo kami sa inyong ipinapakitang kakayahan.
Ikaw Lira naka kuha ka ng 9 out of 10, samantala si Kira naman ay naka kuha ng 9. 7 out of 10.
Nagagalak na wika ni Tandang Ilaw sa kanila.
Agad namang tinulungan ni Kira ang kakambal at tinanong kung ano ba ang kanyang nararamdaman at kung ok lang ba siya.
Wala namang nararamdamang hinanakit ang magkambal dahil alam nilang pagsusulit lang ito at natutuwa sila dahil matataas ang gradong kanilang nakuha.
Ngunit ilang minuto na ang lumilipas at natapos na silang gamutin ni Tandang Orak ang mga nasugatan pa kanina ay hindi pa rin tinatawag ang pangalan ni Sheena na ipinagtataka ng karamihan sa kanila.
Bakit hindi pa tinatawag ang aking pangalan? Nagtatakang tanong ni Sheena sa sarili habang iniikot ang paningin sa paligid. Halos lahat ng kasamahan ay tapos na at siya nalang ang hindi pa.
Ngayon alam kung alam niyo na tanging si Sheena nalang ang hindi pa nakapag susulit sa inyong lahat. Kaya namin inilagay sa huli si Sheena dahil gusto naming lalabanan niya ang Top 5 sa pagsusulit na ito. Paliwanag ng guro sa kanila.
Agad na tumahimik ang lahat at gulat na nakatingin sa guro. Ang iba ay nalaglag pa sa kinauupuan nito habang ang iba ay naka tulala habang nakatingin kay Sheena.
Sino ang mag - aakalang ang pinagtitripan nila at tinutukso ang makakalaban ng top 5, hindi makapaniwalang sabi nila. Kung hindi sila naininiwala mas lalo naman si Sheena na bakas ang kaba at takot sa makakalban niya.
Bakit po ako guro? Bakit po parang kakaiba naman po ang sa akin. Nagtatakang tanong niya sa sarili at ng hindi makontento ay lumapit pa siya sa mga ito.
Hindi ko po sila makakaya guro, Kitang kita ng mga mata ko kung... kung paano sila lumaban, kung gaano sila kagaling at napakahusay nilang lahat.
Halos paiyak na siya ng hindi manlang nag - iba ang reaksyon ng kanilang mga guro, at sigurado siya na buo na ang mga desisyon ng mga ito.
Bakit hindi ikaw Sheena? Hahayaan mo bang iniinsulto at pinagti tripan ka nalang ng mga kasamahan mo palagi!
Ganting tanong nito sa kanya, kaya napayuko nalng siya pati narin ang kanyang kasamahan na natamaan sa sinabi ng guro.
Kailangan mo silang labanan, kailangan mong maipakita sa kanila na mas malakas ka sa kanila at hindi ba gusto mo ng umalis sa bahay na bato na ito? Kaya ito na ang pagkakataon mo, pagkakataon na makapag - aaral sa Akademya.
Paliwanag ng guro sa kanya habang diniddin nito na ang mga sinasabi sa kaniya.
Ngunit pag- aalaga at pagtatanim ng mga halaman lang po ang tanging alam ko at konting laban upang ma protektahan ang sarili. Napapawang sabi niya sa guro ngunit naging matatag ang guro sa kaniyang sinabi kaya wala na siyang nagawa.
Ngayon, Lira, Kira, Licse, Milo at Rokit kayong nasa top 5, kayo ang lalaban kay Sheena!
Pumunta na kayo sa gitna upang maumpisahan niyo na ang laban.
Huwag kang mag - alala Ena, hindi naman namin ibibigay lahat ng kakayahan namin eh. May kaunting awa parin naman kami sa iyo. Ngumingiting insylto na sabi ni Rokit kay Ena.
Naku tama na yan, basta Ena labanan mo lang kami kung hanggang saan ang kaya mo, maliwanag ba? Huwag kang matakot sa amin kahit na naguguluhan kami kung bakit kaming lima pa ang makakalaban mo ay magtiwala ka lang sa sarili mo. Kung alam mong hindi mo kaya ay sabihin mo lang sa amin.
Naawang saad ni Lira sa kanya. Tumango naman siya kay Lira habang kinakabahan.
Nang tumingin siya ay tumango na ang gjro sa kanya na mag - uumpisa na ang laban.
Huminga naman siya ng malalim at pumikit. Naguguluhan naman ang kanyang mga kalaban kung bakit ito nakapikit.
Samantala habang nakapikit ay may naririnig si Sheena ng isang malalim na boses.
Sheena... Sheena... huwag kang kabahan kayang kaya mo silang talunin. Maniwala ka sa iyong kakayahan.
Nang marinig iyon ay nagkaruon ng kompyansa sa sarili si Sheena at ng dumilat siya ay may kung anong pwersa siyang nararamdaman. Kinakabahan man ay ngumiti siya sa sarili at tiningnan isa isa ang kanyang mga kalaban.
Ngayon na! Sigaw ni Rokit sabay sugod sa kanya umiiwas naman siya sa suntok nito at sinipa ito sa tyan. Nang makita iyon ng apat ay agad na rin silang sumugod kay Sheena.
Unang nagpakawala si Kira na muntik ng magpatama sa kanyang bandang dibdib mabuti nalang at nakaiwas siya, sa pag - iwas niya ay may kung anong kulay berde ang mabilis na lumapit sa kanya kaya tumalon saiya sa itaas at pagka baba niya ay sinipa si Rokit na kakabangon palang.
Panay ang salag ni Sheena sa mga sipa, suntok at tadyak ng kanyang kalaban, hindi niya alam kung bakit malakas at mabilis ang kanyang mga galaw kung tutuusin ay hindi siya masyadong naka kapag ensayo.
Nang akma siyang patamaan ng latigo na gawa sa apoy ay lumipad siya sa ere at hinawakan ang latigong apoy na iyon ng pababa na siya. Dahil sa gulat na nahawakan niya ang latigong apoy ay hindi niya nakita si Licse na ginamitan siya ng kakayahan nito kaya saglit lamang ay hindi na siya makagalaw. Pagkatapos ay pinalilibutan siya ng isang kulay berde na nagmumula naman kay Milo. Ilang sandali pa ay halos mawasak ang kanyang pisngi ng suntukin na siya ni Kira sa panga. Matalim ang tingin na ibinigay niya kay Kira at hahampasin pa sana siya nito ng latigong apoy ngunit napigilan ito ni Lira. Ngunit saglit lang iyon dahil nasuntok na pala siya ni Rokit sa dibdib.
Napaigik siya sa sakit na naramramdaman at ang mga lason ay unti - unti ng pumapasok sa kanyang katawan....
Hahayaan mo nalang ba na palagi ka nalang nilang pinagti tripan... na palagi ka nalang mina maliit nila....
Uma alingawngaw ito sa kanyang isipan. Hinding - hindi na ako magpapatalo sa inyo, ipapakita ko sa inyo kung sino ako. Aniya sa sarili at buong lakas na iginalaw ang sarili upang makawala sa mahika ni Licse at sa mga lason na taglay ni Milo.
Nagulat naman ang apat at hindi makapaniwala na nakaya nitong makawala sa kanila. Nang tingnan nila si Ena ay ibang - iba na ito. Ang mga kulay ng mga mata nito ay paiba - iba at nararamdaman nila ang isang malakas na presensya sa luob ng bilog na iyon.
Agad silang umiwas ng magpakawala ng isang malaking bolang apoy si Ena sa kanila. Sinangga naman ito ng magkambal ang apoy at ibinalik kay Ena ngunit hindi pa ito nakalapit ay unti - unti na itong nawawala. Isang kumpas lang ng mga kamay ni Ena ay lumabas ang isang ipo -ipo at pilit silang inilalabas sa gitna, nawala lang ito ng patamaan ni Rokit ng suntok si Ena sa likod at tumalsik ito at muntik ng makalabas sa guhit na bilog.
Gali na binalingan ito ni Ena at kasabay ng pag - angat ng bibig nito upang ngumiti ay ang pag - angat rin ni Rokit sa ere at hinampas ito sa sahig ng malakas kaya napaigik ito at halatang nasaktan ng malakas pagkatapos ay umubo na ito ng dugo.
Rokit!!! Sigaw nila na hindi maka paniwala. Nang hindi naka tiis ay nagpakawala si Milo ng isang malakas na lason kay Ena ngunit hindi iyon nakarating manlang kay Ena dahil tila ba may pumipigil rito at nakakapagtataka dahil ng lumapit si Ena ay tila gamay niya nag lason na iyon na para bang isang kaibigan na matagal ng nawala kung umasta ang lason na ito.
Bakit... hindi makapaniwala si Milo sa nangyayari at napa atras siya ng ang lasong ginawa niya ay mabilis na bumabalik sa kanya.
Ngunit hindi na siya naka takbo pa ng ma abot siya ng lason iyon at ng malanghap niya ito ay napaubo siya at tila mawawalan na siya ng hininga, ilang sandali lamang ay nawalan na siya ng malay.
Sunod nitong binalingan ng tingin ay si Licse. Tiningnan niya ito ng masama bago magsalita.
Ngayon mo ipakita sa akin ang kakayahang ipinagmamalaki mo, pagkatapos ay sinugod niya si Licse na tila naparilasado sa kinatatayuan nito. Nang makitang papasugod si Ena ay mabilis siyang umiwas at ginamitan ng kanyang kakayahan ngunit mabilis itong umiwas sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang labas ng mayruon siya ngunit hindi parin iyon sapat at paglingon niya sa kanyang likod ay isang malakas na tadyak at sipa ang pinakawalan sa kanya ni Ena ang nagpa bagsak sa kanya.
Pagkatapos ay mabalagsik niyang tiningnan ang magkambal lalo na si Kira, Ngumiti siya ng nakaka insulto sa kanila sabay sabi ng, Paano ba yan, natalo ko na ang tatlo niyong kasamahan.
Kahit nanghihina na si Kira ay sinubukan niyang labanan si Ena, nagpalabas siya ng apoy ngunit mabilis lang itong naiwasan ni Ena kaya tumulong nalang rin si Lira. Gumawa siya ng sibat mula sa apoy at pinakawalan ito kay Ena ngunit tila isang maliit lang na laruan kung ituring ni Ena ang mga ito.
Iyon lang ba ang makakaya niyong dalawa. Tapos na kayo? Ngayon ako naman.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na pinalibutan ng malalakas na apoy ang dalawa at kahit sinubukan nilang kalabanin ang apoy gamit ang kakayahan nilang apoy rin ay hindi parin iyon sapat upang makawala sila sa kulungang iyon.
Nagpapasalamat nalang nila nabago pa sila mawalan ng malay ay pinakawalan na sila ni Ena. Pagkatapos ay wala itong imik umalis sa gitna at bumalik sa kinauupuan nito.
Lahat ay nakatulala kay Sheena. Hindi sila makapaniwala na sa luob ng mahabang panahon ay isa palang malakas na nilalang si Ena na ang akala nila ay isang mahina lamang.
Walang nagsasalita kahit ang mga guro ay halatang hindi pa nakakabalik sa realidad at naka tulala lang kay Ena. Tahimik ang paligid, tanging malalalim na paghinga lang at mga daing ng kinilabanan ni Ena ang naririnig at wala ng iba.
Kaya ng magsalita si Sheena ay bahagya silang napaindak sa gulat at nagpakawala ng malalim na ginhawa.
Ahmmm... Guro, ano po kumusta po ang grado ko? Nakapasa po ba ako sa pagsusulit?
Inosente nitong tanong sa mga guro na nakatulala lang sa kanya. Bakit po para kayong nakaka kita ng nakakatakot, puna niya sa mga kasamahan dahil naiilang na siya sa mga tingin nila sa kanya.
Tumikhim naman ang iba at dahan dahang pumapalkpak sa kanya. Unti - unti iyong lumalakas kasabay ng pag pupuri sa kanya na magaling siya at napakalakas.
Ahmmm. Ahmmmm... Nagulat kami sa kakayahan mo Ena. Inaamin ko na sinadya namin iyon upang ipakita mo sa amin ang kakayahan mo na mayruon kang ipinagmamalaki ngunit hindi namin inakala na ganito ka pala ka galing at napakahusay mo.
Kung dati mo pa sana ito ipinapakita sa amin malamang ay nasa matataas na estado ka na ng Akademya. Hindi makapniwalang saad ng guro sa kanya.
Napakahusay ng iyong ipinapakita Ena, kaya sa halip na 10 out of 10 ay A* ang gradong iyong nakuha. Ibig sabihin nito ay kabilang ka sa mga matatas na estado sa Akademya. Binabati kita Ena. Malugod nitong pagbati kay Ena.
Hindi naman makapaniwala si Ena rito at napaiyak pa siya sa tuwa. Salamt po, maraming - maraming salamat po.
Ano na ang resulta ng pinagagawa ko sayo , kaibigan? naigawa mo ba ng maayos?
Tanong nito sa kasama habang nagsasalin ng maiinom sa dalawang baso pagkatapos ay ibinigay sa kanya ang isa.
Oo, naisagawa ko ng maayos at maganda ang kalalabasan dahil naipapalabas na ng batang iyon ang kanyang kakayahan. Ilang sandali nalang ay makilala na siya ng marami at kung mangyari iyon ay isang tagumpay ang ating makakamtan.
Humahalakhak na wika ng Isa. Maghintay ka natitiyak kung matutuwea sa kalabasan nito.
Mabuti, mabuti kaibigan. Ipagpatuloy mo ang iyong ginagawa. Titiyakin mong makakapasok ang batang iyon sa matatas na estado ng akademya dahil magagamit natin siya. Siya ang ating sandata.
Nasisigurado ko, ang kawawang nilalang. Hindi niya alam na tina traidor na natin siya sa kanyang likuran. Walang ka alam alam na siya ay ginagamit lamang natin. Naiiling na sabi nito.
Nararapat lamang iyon sa kanya kaibigan, dahil siya ang unang tumalikod sa atin. Pagbabayarin natin ng sobra ang pinunong iyon. At pag nangyari iyon, tayo naman ang mamumuno.
Oo tama ka kaibigan, ngunit hindi na ako magtatagal dahil baka ako ay hanapin na sa amin at baka sila ay magduda pa. Kailangan ko ng umalis.
Buwena sige. Mag - ingat. Balitaan mo ako kaibigan sa susunod miong dalaw dito.
Pagkatapos na iyon ay umalis na ito at pagdating sa dilim ay nawala na ito ng tuluyan.