Sa isang madilim na paligid maririnig ang isang sigaw ng batang babae na nanghihingi ng tulong ngunit walang may nakakarinig.
Ang mga kahoy ay patuloy na sumasayaw sa ihip ng hangin, lagaslas ng tubig at mga huni ng kuliglig sa paligid na tila umiiyak sumasabay sa sigaw at hinagpis ng isang kawawang bata.
Ang maliliit nitong kamay na di alam kung saan hahawak , mga mata na punong puno ng luha, gusot gusot na kasuotan at natataranta kung ano ba ang dapat mauna ang ina ba na nakahandusay sa kanyang tabi at wala ng kamalay malay o ang isang kapatid na tinangay ng rumaragasang tubig at mabuti nalang dahil nakasabit ito sa isang sanga ng punongkahoy na natumba sa gilid.
Sumisigaw ito ng 'kapatid ko't sumigaw ka o gumalaw kung narirnig mo ako' at laking pasasalamat niya ng gumalaw ang kapatid niyang lalaki, Ngunit di iyon nagtagal dahil makalipas ang ilang sandali ay tuluyan na itong tinangay ng tubig at di alam ng mura niyang edad kung saan dalhin ang nakaka awa nitong katawan at kung papalarin pa ba itong mabuhay.
Anong magagawa ng isang walong taong gulang na batang babae na kahit siya nga ay punong puno ng pasa ang katawan, mapuputlang mukha at labi na pinagkaitan ng pagkain sa luob ng ilang araw. Umiiyak, Sumisigaw ngunit hindi makagalaw maliban sa mga kamay niya ay wala na siyang may maigagalaw pa.
Sa nandidilim niyang paningin ay naka kita siya ng dalawang taong papalapit sa kanila.
Ngunit isang himala na may dalawang taong nakarinig sa hinagpis nito at ng kanilang silipin ang mga ingay na narinig sa ilalim ng bangin sa gitna ng kakahuyan ay nagulat sila dahil isang batang babae ang kanilang nakita't hawak hawak ang isang matandang babae at may luha ang mga mata at humihingi ng tulong sa kanila.
Nagmamadali ang dalawa sa pagbaba sa bangin at tinulungan at dinala ito sa kanilang bahay. Ginamot nila ang bata ngunit ang ina nito ay wala ng buhay kaya iniwan na nila ito dahil may narirninig na silang mga habag sa kalayuan at natitiyak nila na hindi lang ito isang tao sa halip ay natitiyak ng mag-asawa na marami sila.
Upang makasigurado na ligtas silang makauwi, hinubad ng matandang babae ang kasuotan ng bata at itinira na lamang ang panluob nito at agad na pinaanod sa tubig ang mga damit na kinuha at ang iba ay isinabit sa di kalayuan upang palabasin na natangay ang katawan ng batang babae ng tubig.
May pinatak naman at may isinasaboy sa hangin ang matandang lalaki upang walang makaka alam sa kanila pagkatapos ay dali daling umalis sila tangay ang walang kamaly malay na bata.
Ngunit ilang araw na at hindi pa gumigising ang bata. At nag- aalala na ang mag asawa.
Anong gagawin natin Ben? Hindi pa nagigising ang bata at wala tayong idea kung sino sila at kung ano ba ang nangyari sa kanila. hindi rin natin pweding dalhin sa bayan dahil maliban sa wala tayong pera ay baka may humahanap na sa kanila at tuluyan pang mapahamak ang bata na ito
.
Nakaka awang bata, ano kaya ang reaksyon niya kung sa paggising niya ay wala na ang ina nito?
Lorna naman, wala tayong magagawa kung hindi ampunin ang batang yan. At siya nga pala paano mo nalaman na mag-ina sila?
Heto Ben tingnan mo ang kwentas na ito, Tingnan mo ang larawan sa loob. Nakita ko itong hawak hawak ng kanyang ina at tila napakahalaga nito kaya kinuha ko.Naku po, natatakot ako sa kahihinatnan ng batang ito Ben. nakakasiguro ako na kapag malaman ng mga taong may gawa nito ay baka hanapin din siya at patayin.
Isa itong kwentas na kung hindi ako nagkakamali ay isa itong purong ginto at ang gitna nito na hugis bituin ay isang diamante na kumikinang kung masisikatan ng araw at lumalabas ang ibat-ibang kulay nito, Kulay pula, asul, kayumanggi at napapalibutan ito ng kulay puti . Hindi ito pangkaraniwang kwentas na nakikita lang kung saan saan, Sa loob nito ay makikita ang larawan ng isang masayang pamilya.
Isang masayang ama na naka akbay sa balikat ng asawa nito at dalawang bata, isang babae at isang lalaki na naka kandong sa kanilang mga hita. Ngunit ang nagpagulat sa mag-asawa ay ang mga korana na suot nila at ang kanilang mga kasuotan.
Mahabagin Lorna, Hindi kaya mga maharlikang tao ito ng isang kaharian? batay sa kanilang suot sila ay nagmula sa kaharian ng Freyas isa sa may painaka makapangyarihan kaharian, ngunit bakit sila nagkaganito? at sa paanong nangyari ? Nasaan ang kanilang ama? ang kanyang kapatid?
Ako rin ay naguguluhan Ben, Ano pat--
AHHHHH!!!!!...
Naputol and dapat sabihin ni Lorna ng makarinig sila ng sigaw ng isang bata habang ito ay umiiyak. Nagkatinginan ang mag-asawa at nagagalak na sa wakas ay gising na ito. Dali dali silang pumasok sa loob ng kwarto ngunit agad rin namang nawalan ng malay ang bata ilang segundo palang ang nakalipas pagkatapos nitong magising.
Ina , Ama, Kaptid ko, nasaan na kayo? nasaan ako? umiiyak ang batang babae dahil ng magising ito ay iba na ang kanyang hinihigaan. Wala nga siya sa gutna ng gubat ngunit wala narin ang kanyang buong pamilya. Ang akala niyang panaginip lang, na sa wakas ay nagising na siya sa isang masalimuot na pangyayari ay totoo pala ang lahat. Ngunit saglit lang iyon dahil agad na naman siyang nawalan ng malay.
Ben anong nangyari? anong gagawin natin? saglit lang ang gising niya at nawalan na ulit ng malay. Tawagin mo si Karyo, Ben. Hindi ba't magaling siyang manggagamot? kailangan natin siya. Maasahan naman ang kaibigan mong iyon hindi ba?
Oo, maasahan yon. Teka nga at pupuntahan ko.
Dali daling umalis at pumunta si Ben sa bahay ng kanyang kaibigan at naabutan niya itong paalis na.
Karyo sandali lang, may pupuntahan kaba? maaari mo bang ipagliban iyan? kailangan ko kasi ngayon ang tulong mo eh.
Nang sabihin ni Ben ang sitwasyon tungkol sa kanilang kinakasangkutan ay agad na sinikop ni Karyo ang kanyang mga gamit sa panggagamot at sumunod sa bahay ni Ben.
Nang makita niya ang sitwasyon ng bata ay tila ito namutla, sa kabila ng maputla at puno ng mga pasang mukha nito, natitiyak niyang ang batang ito ay kabilang sa kaharian ng Freyas, nagpapatunay lamang iyon ang kwentas na suot suot nito at ang tanda sa bandang ilalim ng kanyang dibdib malapit sa kanyang pusod. Isang hugis Bituin na tanging mahaharlikang taga Freyas lamang ang nagtataglay.
Ano sa palagay mo ang nangyayari sa kanya, Karyo? Bakit unti unting nawawalan ng kulay ang kanyang mukha at ito ang naging kulay Berde?
Lorna magmadali ka, kailangan ko ang dahon ng crypto at limuds, mayruon ba kayo niyan dito? Ben, kailangan ko ng isang palangganang puno ng tubig. Kailangang maagapan agad natin siya sa mas lalong panahon ng sa gayon ay mabuhay siya.
Agad namang sinunod ng mag-asawa ang iniutos sa kanila ni Karyo, at salamat naman pagkatapos nitong gamutin at painumin ng mga gamot ay bumalik na ang kulay ng mukha nito at steady na ang kanyang paghinga.
Anong klaseng lason ang kanyang nainom Karyo? Mabuti at naagapan siya.
naguguluhang tanong ni Ben sa kanyang kaibigan.
Pinainom siya ng Lason na mula sa isang bulaklak ng Crypto. Ang Crypto ay isang halamang gamot at ang kulay ginto nitong bulaklak ay napakaganda ngunit ito ay pweding gawing lason kung paghahaluin mo ang kanyang ugat at ang bulaklak nito. Isa itong hindi pangkaraniwang lason dahil pag hindi ito maagapan sa loob ng apat na oras, ang taong nakainom nito ay mamatay.
Sa wari ko ay mga lampas na sa apat na oras pagkatapos niyang inumin ang lason. Ngunit nakapagtataka at kaya niya itong labanan.
Maraming salamat Karyo, Ngunit maari ko bang hilingin saiyo na kung maaari ay ilihim mo muna ito? napakadelikado ng kanyang buhay ngayon at natitiyak kung mayruon kang alam kung sino at ano siya.
Alam ko Lorna, kanina nga kung hindi ako naabutan ni Ben ay pupunta ako ng bayan dahil may kailangan akong gamutin dun.
Ngunit dahil tapos na ako dito ay kailangan ko ng umalis baka pagdududahan ako ng ibang tao at malaman pa nila na mayruon kayomg iniligtas na bata. Pero bago yan, Kailangan niyong gumawa ng isang pekeng kwentas ngunit dapat niyong tandaan na kailangang ito ay maging orihinal na kwentas at ang orihinal na kwentas ay kailangang maging peke.
Agad na nabahala ang mag-asawa at kitang kita ito sa kanilang mga mukha. Mag- uumaga palang Lorna at natitiyak kung bukas magsasagawa ang kaharian ng pananaliksik at baka matunton nila ang bata. Kaya ngayon palang ay kailangan niyo ng umalis Lorna, Ben. Huwag kayong mag-alala at mananatiling lihim ang kung ano mang nangyayari ngayon.
Pagkatapos niyong gawin ang kwentas, kailangan niyo itong lagyan ng gamot at pagmay nadaanan kayong ilog ay itapon niyo ito dahil paniguradong hahanapin nila ito.
Pagka- alis ni Karyo ay nag- umpisa ng mag sikop ng mga gamit ang mag-asawa. Nagdala sila ng konting gamit at perang kanilang gagamitin sa paglalakbay. Mabuti nalang at marami silang pagkain na naiimbak. Pagkatapos bihisan ni Lorna ang bata, ay agad nila itong isinakay sa Kalesa at dali dali silang umalis.
sa di kalayuan ay mayruon silang ilog na madaanan kaya walang alinlangang itinapon nila ang kwentas.
Sa kabilang dako naman ay isang lalaking galit na galit na pinaghahampas ang dalawang kawawang tauhan nito dahil hindi nila nakita ang bata.
Mga inutil! mga walang silbi!
Anong ginawa niyo at hindi niyo nakita ang aking dalawang pamagkin?!
Paano kung buhay pa sila hanggang ngayon? Kailangan niyo silang makita, at kapag nakita niyo ay agad niyo silang patayin. Maliwanag ba?
Maliwanag, mahal na pinuno. Sige na at humayo na kayo. Hanapin niyo kahit saang sulok ng bayan ito at natitiyak kung nandito lang sila.
Hindi maging sapat na namatay ang walang silbi kung kapatid at ang asawa nitong walang ka alam alam na ang kalaban na kanilang mina namnaman ay walang iba kundi ako.
hahahahaha....
Natigil lang ang tawa ng pinuno ng makita niya ang kanyang kaliwang alagad na may ngiti sa mga labi at sumisimbolo ng mabuting balita. Yumukod muna ito bago nagsalita.
Mahal na pinuno, mayruon akong magandang balita sayo.
Kasabay nito ay pinakita ang mga damit na nakita nila sa tabing ilog.
Nakita ito ng ating mga tauhan at natitiyak kung ang iyong mga pamangkin ay patay na at sila ay inanod na ng rumaragasang tubig.
Maliban pa riyan ay nakita rin nila si Ysobel na wala ng buhay dahil siguro sa lason na ating ipinainom sa kanila at gabuon din ang mangyayari sa kanilang anak. Ngunit nawawala ang kanyang Kwentas na nagsisimbolo ng agting kaharian.
Ngunit Huwag kayong mag-alala at hinahanap na ng ating mga seener kung nasaan ito napadpad.
Maasahan ko ba ang mga Seener na kinuha mo?
Opo, maaasahan sila pinuno.
Magaling kung ganuon, Ang aking kapatid naman?
Tungkol naman sa iyong kapatid ay wala narin itong buhay habang bumubula at naging kulay Berde ang buong katawan. Tunay ngang mabisa ang lason ng Crypto.
Magaling magaling. Maasahan ka talaga. Ngayon ikaw na ang aking kanang kamay sa lahat ng bagay.
Ngunit pinuno? paano na si Ether?
wala na siyang silbi sakin, mula nang malaman kung tinatraidor niya ako patalikod kaya siya pinapatay ko na.
kaya ikaw, wag na wag mo akung ta traidurin maliwanag ba?
Maliwanga po, Pinuno.
Masayang masaya siya dahil sa wakas ay mataas na ang ranggo na binigay sa kanya ng kanyang pinuno. Mayruon na siyang kapangyarihang mang-utos at higit sa lahat wala na si Ether na matagal niya ng pinagseselosan.