The said novel is entirely a work of fiction..The coincidental characters,place and events are purely the author's imagination..
PROLOGUE
"Gosh!,late nako sa blind date ko!".nagmamadali kong saad habang paikot-ikot sa kwarto ko.Naghahanap ako ng pink dress na pwede kong isuot sa pupuntahang date mamaya.
"tangna ka talaga Sam."mura ko sa kaibigan ko. "kasalanan mo talaga toh eh.ngayon nga lang ako makakapag pahinga sa tambak na mga trabaho ko."himutok ko.
Naalala ko pa kaninang umaga nang tumawag ang kaibigan kong si Samantha.
"Hello beshy,may gagawin kaba mamayang gabi?".tanong nito sa kabilang linya.
"Kung girl's night out gurl pass muna ako madami akong mga papeles na pipirmahan.Gabundok na ang mga papeles na pinadala sakin ni Miss Laczon at kailangan ko na daw mapirmahan lahat."ang tinutukoy ko ay ang secretary ko.
"Beshy hihingi sana ako ng favor.Baka naman pwede moko saluhin kahit ngayon lang".saad nya.
"Bakit,ano bang nangyari?"naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Diba nga gustong-gusto ako sineset up ni mommy ng blind date?alam mo naman yun diba?"
"And?".nakataas kilay kong tanong sa kanya.
Napatawa naman si Samantha sa kabilang linya.
"Eh nakalimutang ko kasing may surgery pala akong mamayang gabi beshy kaya di ako makakapunta.big time pa naman ang client ko ngayon kaya madami yata ipapagawa sa katawan.
"Tinawagan kona kanina si Hikkaru pero nasa New York daw ang babaeng yun kaya ikaw na lang ang pag asa ko beshy.Baka naman pwede ikaw na muna magsub sakin sa blind date ko",nakangiwi nitong sabi.
Napabuntong hininga naman ako sa sinabi ng kaibigan ko.
"Tangna ka Samantha masasabunutan talaga kita sinasabi ko sayo",gigil kong sabi sa kaibigan ko.Tumawa pa sya sa kabilang linya.
"Naiimagine ko tuloy ang itsura mo ngayon",sabi pa nya sabay bungisngis.
"Huwag kang mag alala,sagot kona ang one year supply mo ng beauty products" sabi nito na pinapalubag ang loob ko.Alam kasi nito na di ako makakatanggi sa mga pampaganda dahil pampaganda is life ako.
"Samahan mo na rin ng One year VIP discount dito sa clinic mo malapit sa condo ko."sabi ko sa kanya.
Isa kasing plastic surgeon si Samantha.Madami syang clinic dito Pinas at nagkalat na rin ang mga branches nya sa ibat ibang bansa.
Tatlo kaming magkakaibigan.
Ako,si Samantha,at si Hikkaru.High School days pa lang magkakakilala na kami.Lalo pa kami naging magbest friends dahil sa nakakatawang pangyayari.
May boyfriend nun si Samantha na isang fuckboy.lahat na lang ng babae sa school ay nililigawan nya.Balak pa nya kaming pagsabaying tatlo kung di lang namin aksidenteng nalaman.Kaya napag usapan naming tatlo na ipapahiya namin sya sa campus para naman madala ang gago.
Habang naliligo ito,pumasok kami ni Hikkaru sa locker nila.Myembro kasi sya ng varsity team kaya dagdag points din sa gagong yun.Ang siste masyadong playboy.Kinuha namin ang kanyang mga damit kasali na pati briefs nito at pinalitan namin ng isang panty.Kaya lalabas yun na naka panty.Kinuha dn namin ang kanyang mga gamit kasama na ang celphone para di makapagtawag ng tulong.Nakabantay naman si Samantha sa labas incase may pumasok.
Napagtagumpayan namin ang plano at nag apiran pa kaming tatlo pagkatapos.
Paglabas namin naririnig pa namin ang kanyang malakas na sigaw at malutong na mura.
"f*****g s**t!.."
Lumabas itong nakapanty at tinatakpan ang kanyang pwet at harapan dahil kakapiranggot lang ang tela nun.
T-back kasi ang panty na nilagay namin kaya kahit sino mahihiya pag sinuot yun.Hagalpakan kaming lahat ng tawa pati mga ibang estudyante na nagbubulungan at tinuturo sya habang natakbo.Magmula nun naging bestfriends na kami at tinatag namin ang Man Hater's Club.
Pinangako namin sa isa't-isa na hindi kami magkakagusto sa mga lalaki dahil pare-pareho silang lahat,mga playboy,mga sinungaling,nakakairita.
Kaya bawat lumapit saming boys ay pinapahiya namin at iniirapan.Di namin sila pinapansin.Wala naman silang ambag sa mga buhay namin.
Nakakastress lang sila at nakakawala ng ganda.
Mabuti pang magfocus nalang kami sa friendship namin at sa pag-aaral.
"Alam mo namang ayaw na ayaw ko sa blind date blind date na yan eh",maktol ko sa kaibigan ko na ngayon nga ay kausap kopa sa telepono."It's not my cup of tea,and i'm not really into that kind of thing.eeew."maarte kong sabi.
"Haha."tawa nanaman nito sa kabilang linya."Go kana kasi beshy.alam ko naman dimo ko matitiis eh.Pupunta nayan!"tukso nito sakin.
"Che!.sipain kita dyan eh."In the end bumigay din ako sa kaibigan ko.Alam talaga nyang di ko sya matitiis dahil kaming magkakaibigan pag nagkakagipitan ay nagdadamayan at nagtutulungan kaht sa anong sitwasyon man.
"Basta 7pm nasa restaurant kana.itetext ko nalang kung saan.wag mong kakalimutang magsuot ng pink dress ha .at dapat nakapony tail ka ng Pink din".natatawang litanya nito.
"Aba,tangna talaga!.napapamura ako sa sinabi ng kaibigan ko."Sino bang gumawa ng dress code nayan ng mabigwasan ko!".nakakairita talaga.
Tawa ng tawa si Samantha sa kabilang linya."Yung blind date mo naka blue long sleeve sya,wag mo kakalimutan.Bahala kana ha.ayaw kong makurot ni mommy sa singit".
Pinaikot ko nalang ang mga mata ko.as if makikita ng kausap ko sa kabilang mundo este sa kabilang linya.
Nasa isang mamahaling restaurant ako ngayon habang inaantay ko ang kablind date ko.Buti nalang at may nakita akong magandang pink dress kanina.Simple lang pero elegante,hindi ako mapapahiya dahil maganda ang fit sa aking katawan.Nag apply lang ako ng konting polbo at liptint.Binagay ko lang ang dress code ko sa mukha ko.Para akong aattend ulit sa js prom dahil naka cocktail dress ako at napakasimple nito idagdag mopa ang nakaponytail kong buhok.Ibang-iba ang itsura ko ngayon sa pang -araw -araw na itsura ko dahil kapag pumapasok ako sa opisina ay laging fierce ang dating.Nakamake up pero light lang at nakapulang lipstick na nagpapatindi ng pagka fierce ng mukha ko.Kaht nasa opisina ako ay nakalugay din lagi ang medyo pula kong buhok.Diko talaga keri ang nakatali kaya banas na banas ako dahil naka pony tail ako ngayon.
Kanina pako naiinis dahil wala pa ang kablind date na sinasabi ni Samantha.Tangna talaga.Ang sarap magmura dahil kalalaking tao ay wala manlang time discipline.Sa lahat ng ayaw ko ay ung pinag aantay ako.
Nag order muna ako ng kape para lalo akong nerbyusin.Talagang gigil ako sa kablind date ko.Nungkang mag aantay ako dito kung dilang sa kaibigan ko.Alam ko kasing.kukurutin talaga sya ni tita Anna sa singit.Kaya hahabaan ko nalang ang pasensya ko.Total may one yr naman na akong beauty products plus discount pag nagpunta ako sa clinic ni Sam.
Dumating ang inorder kong kape at nilagok yun.Patingin-tingin ako sa mga taong pumapasok sa pintuan at baka pumasok ang blind date ko.
Natulos ako sa kinauupuan ko nang pumasok ang lalaking parang Greek God ang itsura.Makalaglag panty ang itsura dahil abs kahit nakalong sleeve ito ay kitang-kita ang mga nagpuputukang muscles sa katawan.Matangkad ito at clean cut ang buhok.Para akong sinisilihan sa pwet dahil diko alam kung san sya pupunta.Ang lakas ng tambol ng dibdib ko at para akong di makahinga.Ngumiti ang lalaki at lumapit sa kinauupuan ko.
"Hi.Waiting for me?",nakangisi nyang sabi.
"Wag mo sabihing ikaw ang blind date ko?,titili ako.",taas kilay kong sabi sa kanya sabay irap.