ANDREI'S POV "Hi Doc Andrei".bati sakin ng nurse na si Myra.Katatapos lang ng surgery ko kaya kalalabas ko lang mula sa operating room. Mag-aalas siete na pala ng gabi at wala pa akong kain. Inabot na ng pitong oras ang pag-oopera sa pasyente dahil sa tumubong tumor nito sa utak. Wala rin halos akong tulog kagabi dahil nagkaroon din ng emergency. Isa akong neuro surgeon at nagtatrabaho ako bilang doktor sa ospital ng aking kaibigan na si Thaddeus. Co-owner ako nito pero tanging siya lang ang nakakaalam dahil masyado akong attached at nagfofocus lang sa mga surgery. May mga business din ako pero dito ako masaya sa propesyong ito.Ang pinsan ko ang namamahala sa mga iyon at minsan ay bumibisita lang ako kapag kailangang-kailangan lang talaga. "Hello Nurse Myra".bati ko din sa nurse na

